👑 Kabanata XXXIII 👑

35 11 0
                                    

👑👑👑

Pagkarating namin sa pusod ng Karagatan ng Shiba , hinandugan na namin ang aming mga mandirigma ng proteksyon upang makahinga sila sa ilalim ng dagat. Dito mababase ang kakayahan naming pangalagaan ang buhay ng aming mga scout. Buong lakas naming ihahandog ang kanilang mga hininga.

Masusukat rin dito kung gaano ang paniniwala sa aming pamumuno ng aming mga Scouts. Kapag nawalan sila ng hininga ay ibig sabihin hindi sila naniniwalang kaya namin silang proteksyonan bilang aming mamamayan. Hindi namin maaring sabihin na ibigay ang kanilang tiwala para makahinga sila ng maayos sa ilalim ng karagatan hahayaan lang namin silang magtiwala sa amin.

Nang makalapag na ang lahat sa kulungan ng mga kinoba makikita ang takot sa mata ng aming mga kalahi ngunit ang mga Arano at Antaro ay wala man lang pag aalinlangan sa kanilang mga mukha.

Bakit ganoon? Kung sino pa ang mga taong pinamunuan ng matagal ay siyang pang natatakot na pababayaan.

"Sumainyo ang basbas ni Goddess Athena/Sumainyo ang basbas ni Goddess Demeter." Sabay naming wika ni Prinsepe Hadario.

Pagkalapit nila sa Hari't Reyna na Kinoba agad lumitaw ang mga alipin nilang Kinoba na nasa labas ng kulungan ng kanilang mga Maharlika. Agad nag espadahan ang mga mandirigma at kinoba. Lumipas ang limang oras at nalapitan na ng aming mga mandirigma ang Hari't Reyna na kinoba at agad nila itong pinaslang. May redulata nanamang nakalagay.

'Ashta Lavishta mga magigiting na mandirigma. Isama niyo sa Lanria ang inyong mga mandirigma at nang masaksihan nila ang inyong pagtaas ng bandila.'

Pagkabasa namin ni Prinsepe Hadario ng redulata agad naming tinipon ang aming mgaandirigma at agad namin silang pinapila sa harap ng aming bandila. Pagtingin namin sa dalawa pang bandila hindi pa ito nakataas.

"Ashta mga tagapagmana ng Ruby Kingdom at Peridot Kingdom... Maaring ipunta niyo muna ang inyong mga mandirigma sa kanya-kanya niyong mga kaharian." Wika ng isang hukom sa bulwagan.

Agad na naming dinala ang aming mga mandirigma sa kanya-kanya naming mga kaharian. Hindi na kami nakapag paalam sa isa't isa agad bumuo ng selebrasyon ang aming Kaharian at nayakap kong muli ang aking mga magulang.

"Maligaya kami sa iyong pag babalik mahal naming anak." Maligayang wika ni Amang Hari.

" Balita ko'y dito kayo sa Lanria mag sasanay ng isang buwan at babalik kayo sa Crista upang ipagpatuloy ang inyong pag sasanay para sa huling digmaan." Wika ni Ina

Nang matapos ang selebrasyon agad pinatuloy ng mga Asianian ang mga Arano sa kani-kanilang mga tahanan.

Pagkapasok namin ng palasyo agad akong tumungo sa aking silid upang magpahinga.

"Ubinara aking Mahal." Wika niya

"Ubinara.. Vindir Prinsepe Hadario." Tugon ko

"Gagawin ko ang lahat upang maging tayo aking Prinsesa." Maluhang wika niya

" Sigata Prinsepe Hadario..." Malamig na wika ko

Agad siyang umalis at hindi na ako muling nilingon. Tumulo ang aking mga luha at parang pinupunit ang puso ko. Bakit ko sinabi ang mga iyon?

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now