👑 Kabanata XII👑

56 15 0
                                    

👑👑👑

Umayos ako ng upo at nagsalita.

"Nais kong sundan ang mga yapak ng aking magulang bilang scout mahal na Prinsesa." Mahinahong usal ko.

"Akala ko pa nama'y sasabak karin sa politika katulad ng iyong mga Ishna at Ishta. Pero mas pinili mo parin ang mas delikado." Malungkot na tugon ni Princess Sofia

"Delikado man itong tatahakin ko para sa ating kaharian. Para sa Kontinenteng Labia handa akong ibuwis ang buhay ko. Mapa maharlika man o simpleng tagapaglingkod lang." Tugon ko. Bigla nalang itong lumabas sa mga bibig ko na hindi ko makontrol.

Ilang oras rin kaming nagsulat sa silid aklatan at ibinalik niya ako sa bahay ng malapit na mag tanghalian.

"Ashta Clishan Limba Serenity banwa ... Dahil pinayagan mong samahan niya ako panandalian... Limba iniimbita ko rin po kayo sa aking selebrasyon sa Linggo sana'y makasama rin si Limbu Rafael." Mahinahong sabi ni Princess Emeri Lisa kay Ina.

"Maaasahan mo kami Prinsesa sa ikalawa'y babalik na ulit sila dito sa Ruby Kingdom nasisigurado ko. Magsimula ng isang dekada na pakikidigma nila'y limang araw nalang ang mga digmaan." Sabi ni Ina.

"Itatala ko narin pala ang inyong pangalan sa aking mga bisita. Balna Limba Serenity ... Balna Linda." Pagpapaalam ni Princess Sofia samin. At agad narin kaming nagtanghalian ni Ina.

"Anak desidido ka na bang mag scout pagsapit ng iyong ika-12 na taong gulang?" Mabilisang tanong ni Ina habang kumakain.

"Tisha Ina... Nais kong ipagpatuloy ang inyong nasimulan ni Ama." Tugon ko habang sumusubo ng kanin.

"Kung gayun magsisimula na tayong mag ensayo bukas ng umaga. Alas tres palang ng madaling araw ay kailangan mo ng magising at dapat ayy hindi kita maunahan bumangon. Nag kakaintindihan ba tayo?" Tanong ni Ina sakin na may halong pagbabanta.

"Tisha Ina ..." Masayang sabi ko.

Pagsapit ng hapon ay naglilinis lang ako ng aking silid. Hindi ko lubos maisip na gagawin ko ito sapagkat Mula ng ako'y isinilang hindi ko pa naranasan maghawak kahit isang panlinis ng mga kalat. At hindi rin naman ako nag kakalat para wala ng masyadong linisin ang mga tagapaglingkod namin.


Buti na lamang ay kusang gumagalaw ang mga kamay ko. Banwa Goddess Athena sa tulong sa susunod ay alam ko na kung paano.

Nakaka pagod rin pala ang paglilinis at pag aayos ng buong silid sinama ko narin ang pagtupi ng aking mga damit. At bigla akong dinapuan ng antok.

At bigla na lamang akong ...


Nakarating sa Kaharian ni Goddess Athena...

Ang laking gulat ko... Panigurado ipinatawag niya ako.

Ng makarating ako sa harap ng gintong pinto agad akong lumuhod at yumuko. Hinintay ko bumukas ang pinto bago nag salita.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now