👑 Kabanata XXI 👑

44 13 0
                                    

👑👑👑

Nang matapos ang seremonya ng aming pagtatapos. Ang pinili ko syempre ay maging scout na sasama sa digmaan samantalang si Molave at Synthia nama'y pinili ang pagiging scouts ng palasyo mabuti na lamang si Acacia ay sasama rin sa akin.

Pagkalabas namin ng kampo agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Ishna at Ishta pinag tinginan na lamang kami ng ibang scouts. Hindi nila siguro akalain na isa akong Lopez-Bonwar.

"Aking hesta napakaganda mo parin kahit na nagkaroon na ng pagbabago sa iyong postura. " Wika ni Mamita.

" Banwa Mamita... " At yumuko ako sa kanya habang naka patong ang aking kanang kamao sa aking baluti sa tapat ng aking puso.

"Mahal naming anak..." Wika ni Ama't Ina mula sa aking likuran.

Agad ko silang niyakap ng mahigpit at ganun rin sila sa akin.

"Hanga kami sa iyong dedikasyon anak. Nanalaytay nga sa iyo ang dugo ng Lopez-Bonwar ..." Wika ni Ama't Ina sa akin.

Lumipas ang kalahating oras at nakarating na kami sa Mansyon ng mga Lopez.

Namangha ang aking mga mata sapagkat mas lalo pa itong gumanda. Agad kaming nagtungo sa aming mga silid upang mag linis ng aming mga katawan sa paliguan. At nag suot muli ako ng simpleng pulang toga at pumunta narin sa hapag kainan namin.

Lumipas pa ang mga oras at lahat kami ay nagpahinga na sa kanya kanya naming silid.

Kinabukasan...

Maaga akong gumising upang tumakbo sa palibot ng mansyon para narin sa aking ehersisyo. Nakasanayan ko narin dahil ito ang parati kong ginagawa dati ng tinuturuan pa lamang akong mag pana at mag espada.

"Ashta Clasha mahal kong anak." Wika ni Ina

"Ashta Clasha mahal kong Ina. Ang aga niyo ring nagising." Wika ko

" Mag tutungo na tayo ngayong araw sa pinaka malaking kampo para sa nalalapit na digmaan laban sa Kontinenteng Crista." Hingal na sabi ni Ina. Nag uusap kasi kami habang tumatakbo.

"Teka-- Ina sasama ka muli sa digmaan?" Biglaang tanong ko. Ay oo nga pala naganap na ito dati.

" Tisha mahal kong anak. Hindi ako mapapakali sa bahay kakahintay sa mag Ama ko at hindi ko naman pwedeng talikuran muli ang pagiging scout ko sapagkat nangako na ako kay Reyna Camellia na muli akong magiging mandirigma ng ating kaharian." Tugon ni Ina

Matapos kaming tumakbo ng sampung beses palibot sa mansyon pumasok na kami sa loob at nagpahinga panandalian at hinintay magising sila Ama, Ishna at Ishta.

Antagal ata nilang magsi gising.

"Ina bakit an--" nakatulog muli si Ina.

Grabeng pagod nila ngunit mahuhuli na kami sa pagpunta sa kampo at sa pag pasok naman nila Ishna at Ishta sa Hukuman.

Agad kong nilapitan ang alpa at nag patugtog ako.

Antagal ko naring hindi nagagawa ito anim na taon naring nakakalipas noong nasa palasyo pa ako sa kasalukuyan. Si Inang Reyna ang nag turo sa akin magtugtog sa alpa.

Nilakasan ko po ang pag tugtog upang magising na sila. Hindi ko naman silang mamaaring iwanan.

Bakit hindi parin sila bumababa sa kanilang mga silid?

Tumungo ako sa sala at wala nanaman si Ina. Ano bang nangyayari?

Dahan-dahan kong pinihit ang pintuan ng silid ng aming hapag kainan at biglan nalang akong binati ng ...

Princess Of RubyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz