👑Kabanata II👑

275 44 4
                                    

A/N: Enjoy reading my dearest readers.. Thankies😊♥️

5/22/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

"PRINSESA ZINNIANA ASIANA-TALIBA." bulyaw sakin ng aking amang Hari.

Pagkatingin ko sa kanya ay nakakunot na ang kanyang noo.

Kanina pa siguro si Ama, hindi ko man lang napansin. Kaya pala pakiramdam ko na  may nakatitig sakin kanina habang ako'y nagbabasa.

"Ashta Haring Castano ." bati ko sa aking ama at bahagyang yumuko at hinawakan ang magkabilang gilid ng aking mala bolang toga na yari sa bato ng Ruby bilang pag galang.

"Ano nanaman ang binabasa mo mahal kong anak?" mahinahon niyang wika habang minamasahe sentido niya at bahagyang tumingin siya sa aking hawak na libro.

"Masyado mo atang inaaral ang ating kasaysayan mahal kong Prinsesa." sabi ni ama sakin.

Agad ko itong isinara at binalik sa pinagkuhaan ko mula sa aming silid- aklatan.

"Buwi mahal kong Ama. Nais ko lang po sana ulitin at sariwain ang nakaraan. Napakaganda kasi ang mga kwento ng ating nakaraan." Malungkot kong sabi habang pinagdidikit ko ang aking hintuturo at pinag-umpugin ito habang naka nguso.

"Buwi mahal kong prinsesa. Ayoko lang sanang isipin mo yan sa ngayon hindi pa wasto ang iyong edad para sa pag- aaral ng kasaysayan. Mas lalo na nag hayag ang mga Virgata ng digmaan. Ayaw sana naming mangyari ito ngunit masyado silang sakim sa kapangyarian at pamumuno ka--" Tuloy tuloy na wika ng aking ama at biglang siyang napatigil at napatakip ng bibig sa gulat niya rin sa kanyang sinabi.

Ganito kasi si Amang Hari sa akin tuwing pinapagalitan niya ako may bigla na lamang siyang maikwekwento.

Ang kanyang mga nasabi ngayon ay nagsanhi ng aking pag kagulat, pagkalumo at pagkapako ng aking paa sa aking kinatatayuan.

'Tama ba ang narinig ko?'

Gusto ko sanang ipaulit kay Ama ngunit nakasapo ang kanyang kanang palad sa kanyang noo.

'Digmaan?'

'Para saan ?'

'Sa kapangyarian?'

'Sisirain nila ang kapayapaan ng Lanria para lang sa pamumuno?'

'Ano nalang sasabihin ng aming mga Goddess.'

Mga tanong na gusto kong mapunan ng kasagutan.

Biglang namuo ang aking mga luha. Binalot ng mainit na likido mula sa aking mga mata. At tuluyan ng dumaloy ito sa aking mga pisngi ng lumapit sakin si Ama.

"Buwi Prinsesa Zinniana hindi ko dapat sinabi sayo ito." Nag aalalang sabi ng aking amang Hari sakin at marahan niya akong niyakap.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now