👑 Kabanata IX👑

67 16 0
                                    

👑👑👑

Habang naglalakad kami ay papunta sa tahanan ng mga magulang ni Ina.

Nadaanan namin ang kalye na maraming kumpol na tao na binubuo ng mamimili at mangangalakal kasama Ang kanilang madaming mga paninda na mga pang gamit sa bahay kasama na ang mga damit, alpombra at pigurin na yari sa Ruby na nasa kanang bahagi, mga lutong pagkain, mga gulay , prutas at karne naman ang nakapwesto sa may kaliwa bahagi, parang bigla akong nakakatakam sa aking nakikitang mga tinapay na may tsokolate na palaman ngunit hinihila lang ako Ina paalis doon kung sabagay kakatapos ko lang mag almusal.

Todo kapit ko kay Ina dahil ayokong mawala ako rito. Hindi ko na maalala ang daan pauwi.

Sa sumunod na kalye naman ay napapalibutan ng mga alahas. Na nagkikintaban sa aking mga mata. Ito'y yari sa ginto, pilak, mga dyamante at iba't ibang hugis ng bato at kristal ng Ruby na nasa mga singsing, purselas, hikaw at kwintas.

Napansin ko rin ang mga magagarang kasuotan na yari sa mga Ruby na may kasamang mamahaling mga seda na may kahalong balihibo ng mga hiyopang tupa sa mga dulo nito.

Tinignan ko si Ina hindi man nililingon ang mga alahas at damit. Talagang iba siya sa mga nakilala kong mga anak ng opisyal namin. Hindi siya naghahangad ng labis at marunong siyang makuntento at magpakumbaba.

At sa pangatlong kalye naman ay may magagarang mga karwahe at mga kilalang mga kabayo. Kasama ang mga nagtataasang mga tahanan na sigurado ako'y tahanan ito ng mga opisyal ng Kaharian.

Nakailang minuto lang kaming naglakad ni Ina at nung huminto na siya bumungad na samin ang napakataas na gintong tarangkahan na may napalawak na lupain sa loob na maraming mga rosas na nakatanim may mga bantay rin sa tarangkahan at nang makita nila si Ina at ako ay mabilisang binuksan ang tarangkahan at binati kami.

"Ashta lady Serenity... Ashta young lady Linda... Hinihintay na po kayo nila Senyor Gobernador sa balkonahe sa likod." Mahinahong sabi nung bantay.

"Banwa." Maikling tugon ni Ina at sumunod nalang ako sa kanya sa paglalakad.

Sumakay kami sa isang karwahe na yari sa pilak upang mas mapabilis ang pagdating namin sa mansyon.

Pag karating namin sa harap ng masyon ay agad pumila ang mga tagapaglingkod sa magkabilang gilid ng alpombra ,yumuko at binati kami ng

"Ashta Clasha lady Serenity, Ashta Clasha young lady Linda." At agad kaming pinagbuksan ng pinto.

Naglakad kami sa loob ni Ina at nagpalibot libot nalang din ang aking mga mata. At tumama ang paningin ko sa napakalaking litraro ng mga magulang ni Ina at naka lagay .

Don. Dominador at Doñia Bianca Lopez

Napabilog nalang ang aking bibig atlis alam ko na ang kanilang ngalan. At napatigil narin si Ina sa paglalakad at pumunta sa aking tabi.

"Nasasabik na sigurong makita kanila Mamita at Lolito mo anak. Ikaw ang dahilan kaya tinanggap ang iyong Ama nila Ina't Ama. Lahat Ng nanaisin mo ay laging ibinibigay nila sa iyo. Pati nga ang pagsakay sa kabayo ay nagpaturo ka pa kay Lolito. Talagang nag mana ka sakin nung ako'y bata,anak. Halika na puntahan na natin sila magmano ka ha." At naglakad na kaming muli.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now