👑 Kabanata XXXI 👑

42 13 0
                                    

👑👑👑

Pagkalipas ng tatlong araw agad na kaming nag handa ni Rougen pabalik ng Lanria.

Mukhang tuloy tuloy ang aming paglalakbay. Kailangan namin magbaon narin ng kahit ilang pirasong pagkain at inumin.

"Aking mga heneral sanayin niyo lamang sila at hintayin ang aking pagbabalik. Balna..." Habilin ko sa kanila.

Sumakay na ako sa likuran ni Rougen. " Yeshna...." Wika ko at lumipad na nga si Rougen.

Habang kami ay nasa himpapawid biglang naisipan mag tanong ni Rougen.

"Aking Prinsesa sino naman ang serpente na nais kumalaban sa iyo?" Mahinang tanong niya akala niya siguro ay hindi ko narinig.

Kahit ako'y walang mahinuha kung sino. Kung nakasama ko siya sa nakaraan natitiyak kong nakasalamuha ko siya. Ngunit sino?

Tiyak akong alam niya na mapapaslang ko ang kanyang Ina ngunit bakit hindi niya ako pinigil agad?

Ang hirap namang alamin sa ngayon mas lalo na kailangan namin maipanalo ang digmaang ito.

"Kung ikaw tatanungin aking Esnogranda may hinuha ka ba kung sino ang nag tatangka sa akin?" Pabalik kong tanong sa kanya na ikinagulat niya.

" Wala rin akong mahinuha mahal na Prinsesa. Pero hindi mo ba naaalala ang kanyang tinig? Tiyak akong isa yong paraan para magapi ang taksil na serpente na iyon. Ang maipapangako ko lamang kahit na anong mangyari mawala ka man hahapanapin ka namin ng aking asawa. Iligtas ka kung nasa panganib ka. Ganoon rin ang gagawin namin sa iyong magiging bunga. Lagi mong iisipin iyan aming Prinsesa. Kapit kang mabuti bibilisan ko na ang lipad malapit ng lumubog ang araw." Wika sakin ni Rougen.

Napanatag ang aking puso sa kanyang mga sinabi. Ang mahalaga may mga tapat akong kaibigan na handsng gawin ang mga ganito. Ang tatlo ko kayang kaibigan? Tunay kaya ang pagiging tapat nila sa akin?

Nang sumapit ang gabi bumaba muna sa isang isla si Rougen at doon kami nagpalipas ng gabi. Nilagyan ko agad ng proteksyon ang aming paligid upang makaiwas sa kapahamakan.

Pagsikat ng araw agad akong nakarinig ng pagtawa ni Rougen. Agad kong tinignan ang nasa gawi niya. Nasilayan ko ang isang hiyopang leon na pilit siyang kinakagat subalit hindi niya maabot si Rougen dahil sa ginawa kong proteksyon namin.

"Itigil mo na yan aking Esnogranda. Mag almusal muna tayo bago maglakbay muli." Agad napatitig sa akin si Rougen at napangiting kakaiba.

Nang titigan ko ang aming mga binaon ay ubos na.

"Rouuuuuugggeeeeeennnnn" bulyaw ko agad napatakip ng tenga si Rougen at nagliparan ang mga hiyopang ibon na nasa mga puno nitong isla.

Narinig ko ang malakas na pag dighay ni Rougen. Kaya napasapo na lamang ako ng aking ulo.

Napairap nalang ako. Agad siyang nag wangis tao at nilapitan ako.

"Buwi mahal kong Prinsesa biglang nagutom lang ako kanina kaya naubos ko ang nasa lalagyan natin. Ayoko naman kasing kumain ng mga hiyopa rito baka maubos ko lamang sila." Pag papaliwanag niya.

Napatawa na lamang ako ng bahagya.

"Gutom ka pa ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Narinig kong tumunog pa ang kanyang tiyan at mas lalo pa akong napatawa.

Agad akong nagmahika ng marami pang pagkain at inalok ko siya. Walang paligoy ligoy at kinain niya nanaman nga.

Nag almusal narin ako ng sapat na hindi na ako gugutumin hanggang mamayang gabi.

Princess Of RubyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin