👑 Kabanata XX 👑

52 14 0
                                    

👑👑👑

Nag pares pares na nga kami. At ngayon sumasakay na kami sa kanya kanya naming mga kabayo at inaabot na sa amin ang aming mga x-bow. Naalala ko tuloy yung una kong gamit ito kasama ko si Steven at--

"Sana'y makapasa tayo Linda. Kaya natin toh." Sabi ni Molave.

"Kaya natin toh." Masayang sabi ko.

Bakit ba lagi ko nanamang naiisip si Steven. Buti kung hindi niya nakakagat dila niya.

Pumasok na kami sa tarangkahan ng gubat. Teka bakit pinapababa ang mga nauna sa kabayo nila? Seryoso lalakarin namin ito alam ba ng mga commander ito tila iba ang ginagawa nilang panuntunan dito?

"Greto... Lagot itong mga scouts na ito pag nalaman ng matataas." Usal ni Molave.

" Seryoso na ba sila dito maari silang mapahamak pag nalaman ito ng mga nakatataas." Sabi ni Acacia

" Kung pwede ko lang itong sabihin kay Ina paniguradong matatanggalan sila ng lisensya." Inis na sabi ni Synthia.

Napakapa ako sa aking kanang braso. Wala nga pala ang aking proteksyon pinaiwan sa mansyon para daw maranasan ko ang totoong laban at ensayo. Bilin pa naman sakin ni Goddess Athena huwag na huwag ko itong tatanggalin.

Nag pares na ulit kami ni Molave ganun rin si Synthia at Acacia magkaibang ruta rin kami. Habang nag lalakad kami ni Molave bigla siyang napahinto at may kinuha sa kanyang bulsa. Kapa parin siya ng kapa at hindi na mapakali ng wala sa lahat ng bulsa niya.

"Greto nakalimutan ko ang kompas ko sa pantalon ko kahapon. " Inis niyang sabi.

Kinapa ko narin ang aking mga bulsa pati ang aking baluti wala rin kompas lagot na. "Naiwan ko rin ang akin" pabulong ko.

Nanlalamig na ang aking pawis ng mas dumilim pa ang tinahak naming lugar. Nasaan na kami.

"Bu-- bumalik na-- lang kaya ta--tayo" natatakot kong sabi kay Molave.

Hinawakan niya lang ang aking kamay at sinabing "Huego Linda kailangan nating harapin ito. Tayo rin ang nagpabaya."

Patuloy lang kaming naglakad ng tahimik hanggang may na aaninag na kaming liwanag. Ngunit pulang liwanag at ramdam namin ang init habang papalapit kami doon.

Pagkalabas namin ay biglang nag sarado ang dinaanan namin isa pala iyong kweba. Paano na kami aalis dito.

"Greto ... Greto dapat umalis na bumalik tayo kanina batid kong dito nakatira ang Hiyopang Dragon. Napunta tayo sa norte imbis na sa silangan. " Tarantang wika ni Molave.

Teka-- NORTE!? Pinagbabawal kaming pumunta rito napasobra pala ang lakad namin kanina bakit ko kasi nakalimutan ang aking kompas. Paano na kami nito.

"Hinaan mo ang boses mo Molave baka magising natin ang dragon. Ang sabi sa aklat na nabasa ko kailangan lang nating walong beses na umikot sa bilog na daanang ito bawat ikot ay hindi natin mapapansing tumataas na tayo palabas ng bulkang ito. " Sabi ko kay Molave kaya't nag lakad na kami agad ng walang tunog ang aming mga hakbang.

Tisha nasa loob kami ng bulkan ngayon na tirahan ng isang maalamat ng Hiyopang Dragon. Marami ng sumubok makaalis rito ngunit kakaonti lang ang pinalad.

Ang iba ang pakay nila sa pagpunta rito ay ang dyamanteng Ruby sa puso ng Hiyopang Dragon na wala ninumang Scouts ang nakakuha nito. Pag oras na nahawakan mo ang dyamanteng Ruby ay tiyak na magiging iyo na ang Hiyopang Dragon.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now