👑 Kabanata XXIV 👑

39 13 0
                                    

👑👑👑

Nang natapos kong isarado ang lagusan tumanbad sa akin ang isang ...

Paraiso ...

Agad lumiwanag ang aking tanda... Ibig sabihin tama lang ang napasukan ko.

Tiyak akong narito ang ika-anim kong misyon.

Agad may sumalubong sa akin mga hiyopang kabayo na may sungay na isa sa kanilang mga noo.

Agad kong nilabas ang aking kuwintas upang maintindihan sila.

"Yonta..." Wika ko at sinuot ko kaagad ang gintong kuwintas.

"Ashta Prinsesa Zinniana... Sumama ka sa amin..." Wika ng dalawang hiyopang kabayo na may sungay.

Pinasakay ako ng isa sa kanyang likuran upang hindi na ako maglakad.

Pinunta nila ako sa isang maliit nilang kaharian pinasok nila ako sa kanilang palasyo.

Nakita ko ang ika-anim kong misyon ang gintong latigo.

"Mahal na Prinsesa aming iginagawad sa iyo ang gintong latigo na ito sa ngalan ng aming Haring Antonio. Ibinilin ito sa amin ni Goddess Athena. Ikaw rin ay magsasanay muna rito kasama ang iyong Esnogranda para mahasa pa ang iyong kakayahan."wika ng isang hiyopang kabayo.

Isang iglap nagpalit sila ng nilang anyo na naging mga matitipunong lalake at may ibang mga iilang mga kababaihan sa labas ng palasyo.

Mga tao kaya talaga sila?

"Batid naming ikaw ay nag tataka mahal na Prinsesa. May iilang mga klase ng mga hiyopa na maaring mag wangis ng tao. Katulad namin mga mahiwagang hiyopang kabayo, pati ang iyong Esnogranda at ang mga serpente." Wika ng isang matangkad at maputing lalake ngunit isa siyang Hiyopang kabayo.

Teka-- serpente?

Ibig sabihin maaring may mga nakasalamuha na akong mga serpente sa buhay ko?

Paano yung napatay kong serpente? Sino siya?

Sino ang anak niya?

Ilan ang anak niya?

"Halika na aming Prinsesa Zinniana sa lugar na iyong pagsasanayan. " Wika sakin ng isang lalake na halos kawangis si Steven.

Teka--kamusta na kaya siya.

Nang makarating kami sa pag sasanayan ko agad kong pinalabas si Rougen.

At sumakay ako agad sa kanyang likuran. At pinalipad sya.

Napaganda ng tanawin ng paraisong iyon hanggang dito sa himpapawid.

"Aking Prinsesa pagkatapos ba ng digmaan ibabalik mo ako sa bulkang iyon?" Biglaang tanong ni Rougen sa akin.

" Huego aking Esnogranda. Bakit pa kita ibabalik doon ? Itinuring na kitang isang kaibigan." Simpleng tugon ko

Bakit kaya niya biglaang natanong iyon?

Lumipas ang isang buwan na pag sasanay namin rito sa paraiso at hinahayaan ko na si Rougen na mag wangis ng tao at makihalubilo sa mga nilalang dito parang may kakaiba sa pakikitungo niya sa akin na tila naiilang siya sa taong hindi niya kilala.

Napansin ko rin ang saya niya na tinanggap siya ng mga nilalang rito. Kahit na isa siya sa mga kinatatakutan noon dahil isa siyang Esnogranda.

Pag sapit ng kinagabihan oras na dapat ng aking pag pahinga ngunit tila may bumabagabag sa aking isipan.

Muli kong naalala ang tanong ni Rougen sa aking isang buwan ng nakalipas.

Hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan? Hindi ko talaga siya ibabalik na doon sa bulkan mas lalo na magiging mag isa nanaman siya roon. Alangan naman pagkatapos ko siyang gamitin bigla ko nalang siyang itatapon. Hindi naman ako papayag doon.

Princess Of RubyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum