👑Kabanata VIII👑

77 17 0
                                    

A/N: Enjoy reading mga ka berries.

05-31-2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_

👑👑👑

"Pagkatayo ko noon ay pinunta na agad ako sa gamutan na kampo namin. Kasi nga may hiwa ang aking kanang braso dahil sa espada na dumaplis mula sa iyong ama. Lumipas ang mga buwan at nag-eensayo na kami at nag aaral bilang isang ganap na scouts hindi lang para sa Ruby Kingdom kundi narin para sa Kontinenteng Lanria. Lumipas ang mga taon ay naging ganap na akong scout at nag hahanda na kami para sa digmaan, pagkalabas namin ng kampo bumungad sakin ang mukha ng aking mga magulang na limang taon ko ring hindi nasilayan o makausap man lamang kahit sa redulata. Batid ko ang saya ng kanilang mga mukha ng masilayan na nila akong muli. Kaya't nilapitan ko sila at lumapit rin sila sakin at niyakap ako ng mahigpit, labing pitong taong gulang na ako noon at ilang buwan nalang ay maari na akong bumukod sa aking mga magulang. Tinignan ko ang mga nasa likod akong scouts at nakita ko ang gulat nila ng niyakap ako ng Isa sa mataas na opisyal ng Ruby Kingdom. Agad silang nagbigay galang sa aking ama at yumuko lang ito sa kanila at nagpaalam na muli ako sa aking mga magulang dahil kailangan na naming pumunta sa pinakamalaking kampo sa Labia kung saan lahat ng scouts ay naroon mula sa Walo na Kaharian. Ilang buwan pa kaming nagsanay upang ihanda ang sarili namin sa digmaan. Kada Kaharian ay mayroong sampung libong scouts kasama narin ang mga commander ng bawat isang Kaharian. Mula sa Ruby Kingdom ang mga kagamitan para sa pangdigma dahil sa tulong ng Kapangyarian ng ating Reyna Camellia Asiana na pinagkaloob sa kanya ni Goddess Athena na kakayahang gumawa ng mataas na kalidad ng armas na pang digma at--" napatigil si Ina ng kinalabit ko siya.

"Ina pwede na ba akong mag scout , pag wasto narin ang aking edad? Papayagan mo na po ba ako?"tanong ko kay Ina.

Ngumiti lang si Ina at sinabing...

"Hintayin natin ang pagbabalik ng iyong Ama at tanungin natin sa kanya kung papayag siya. Sa ngayon tapusin muna natin itong almusal at bibisita pa tayo sa aking Ina't Ama nais ka raw nila ulit makita." Masayang bigkas ni Ina.

At ikinalaki ng mata ko. Hala ano ang pangalan nila at ano ang itatawag ko sa kanila. Paano ang tamang ikikilos ko at ano ang dapat kong gawin.

Ayon sa pagpapakilala ni Ina sa kanyang mga magulang batid ko ang pahkastrikto nila katulad na lamang ng aking tunay na ina't ama. Kamusta na kaya sila? Parehas lang kaya ang bilis ng oras dito at sa hinaharap?

Mahabaging Goddess Athena nawa'y gabayan mo po ako sa mga dapat kong gawin.

Nang matapos kaming kumain ay naglinis na ako ng aking katawan at bahagya kong pinikit ang aking mata at nagdasal muli.

'Ashta Goddess Athena nawa'y bigyan mo ako ng payo hindi ko po alam ang ikikilos ko.'. Sabi ko sa isip ko.

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now