👑Kabanata XXV 👑

36 13 0
                                    

👑👑👑

Nang makarating kami ni Rougen sa lumulutang na isla agad kaming sinalubong ng mga babaeng diwata.

"Ashta Prinsesa Zinniana... Ashta Esnograndang Rougen... Sumunod kayo sa amin. " Mahinahong wika nila.

Nag wangis tao na si Rougen na may baluti narin hawak ang kanyang sanggala at espada. Tumingin siya bigla sa akin napansin niya atang nakatitig ako sa kanya.

"Huwag kang mag pakampante mahal na Prinsesa lagi mong tatandaan yan. " Mahinang wika niya.

Tama naman siya agad ko ring hinanda ang aking mga armas. Biglang naglaho ang mga diwata. Parang may mali...

"Mautak ka rin Esnogranda at naisipan mong magpalit ng anyo..." Wika ng isang matandang diwata.

Ngumisi lang si Rougen... Teka--mag kakilala ba sila?

Biglang tumalim ang tinginan nila sa isa't isa.

Agad kong nilapitan si Rougen. At tinanong...

"Aking Esnogranda kilala mo ba sila? Bakit parang may mali?" Tinignan lamang ako ng malamig ni Rougen

" Tila hindi mo pa lubusang kilala si Rougen mahal na Prinsesa. Siya lang naman ang nagpatay sa aking asawa at ginulo ang isla." Wika ng matandang diwata.

" Jisha ka Mariposa .... Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkaganito ako. Pinagpalit mo ako sa isang Hari at pinaslang ang ating anak na walang mauang muang." Galit na wika ni Rougen.

Teka--ibig sabihin siya ang nanakit kay Rougen kaya siya naging isang Esnogranda at ipinatapon sa bulkan.

"Huwag kang magmalinis Rougen ikaw ang unang nag taksil sating dalawa. Kung hindi pa kita binisita sa kampo hindi ko masisilayan ang pangangaliwa mo. Porke mas malapit at parati mong kasama kailangan mo akong lokohin.."

Greto ... Ang sakit naman nun... Paano kaya kung sa akin mangyari?

"Huwag mong ibalik sakin ang sisi Mariposa... Kung hindi ka nagpaligaw sa Haring Diwata na iyan hindi ako mahuhulog sa iba."Malamig na wika ni Rougen

Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at may bahid ng poot ang knailang mga mata. Nananahimik lang ang mga nakapalibot na diwata at pinapanood rin ang pag tatalo ni Rougen at Reyna Mariposa.

Umabot ng isang oras pa ang kanilang bangayan at pinaupo nalang muna ako ng isang diwata sa tabi.

Ngayon naman ay nag iiyakam na sila. Ang hirap ring mag mahal kung ganyan ang mangyayari.

"Hindi naman kasi ako pinaslang ni Ina. Sadyang inilihim niya lamang ito kau ama." Wika ng diwata sa aking likuran

Agad akong napalingon sa aking likuran at nasilayan ang napaka ganda at maamong mukha ng isang diwata. Nakuha nga niya ang mga mata at ilong ni Rougen.

Pag kalingon kong muli sa aking harapan paalis na si Rougen agad ko siyang hinabol mabuti na lamang mabilis na itong aking sandalyas.

"Rougen hintayin mo ako... Huwag kang umalis..." Wika ko ngunit tuluyan ng lumipad paalis si Rougen. Saan kaya siya pupunta?

Pagkabalik ko sa loob hinanda na ang mahiwagang pana upang igawad sa akin.

"Mahal na Prinsesa Zinniana heto ang mahiwagang pana na mag papalakas pa ng iyong kakayahan upang makalaban sa malalayong lugar. Mag sasanay karin dito ng pagpana ng kalahating taon mahal na Prinsesa." Wika ni Reyna Mariposa

Princess Of RubyWhere stories live. Discover now