Chapter - 01 ( The Day He Came )

3.2K 171 33
                                    

THE DAY HE CAME..

10 YEARS AGO....






Umiiyak na nakatingin lang sa ina ang anim na taong gulang na si Ellaina.. Paalis ito at malamang ay hindi na babalik base sa mga sinasabi nitong tagubilin.

"Mommy...sama ako! " lumuluhang pakiusap nya sa babae.

Pero marahan syang niyakap ng mommy nya saka pinahid ang mga luha nya sa pisngi.

"Ellaina hindi kita pwedeng isama anak, delikado ang misyon ni mommy at ayokong madamay ka.. "

"Pero mommy ---"

"Listen well sweet little Ellaina, " putol nito sa pagsasalita ng bata.

"Alam mona ang gagawin mo diba, ingatan mo ang bracelet na yan.. Ikaw lang ang sinabihan ko ng tungkol dyan diba? "

Tumango ang bata sa ina.

"Remember to trust no one.. Sarili mo lang ang pagkatiwalaan mo Ellaina. "

Sunod sunod na tumango si Ellaina ,pagkuway niyakap sya ni Samantha na di na napigilang umiyak ng oras na yon.

"Ellaina baby im sorry... Kapag naiintindihan mona ang lahat.. Sana di ka magalit sakin baby! "

"M-mommy" yumakap sya ng mahigpit dito kahit walang muwang sa nangyayari .

"Aalis na ako Ellaina. Kapag dina ako nakabalik alam mona ang gagawin mo" sabi pa nito saka kinuha ang bag na iginayak kanina.

Gustuhin man nyang humabol dito ay hindi nya magawa. Kailangan nyang tatagan ang loob tulad ng sinabi ng mommy nya.

Ngunit yon na pala ang huling beses na makikita nya ang ina dahil bangkay na itong bumalik sa bahay nila.

"Jacob.. Anong nangyari sa mommy ko? " umiiyak na tanong ni Ellaina sa binatilyong naghatid ng bangkay ng ina.

"Namatay sya habang nasa mission Ellaina, im sorry kung di ko sya nailigtas." Malungkot na sabi ng lalaki.

Hindi man alam ng bata ang trabaho ng ina ay batid nyang delikado yon.

Nang mailibing ang ina ay kinausap sya ng amang si Eleazar.

"Anak may binilin ba sayo ang mommy mo? " tanong nito sa bata.

Nagisip muna sandali si Ellaina bago umiling.

"W-wala po, sabi nya magingat daw ako " iyak ni Ellaina.

"What about the room? Kailangan nating mabuksan ang room na yon anak,para malaman natin kung ano talaga ang nangyari sa mommy mo" sabi pa nito.

Dahil bata at may tiwala sa ama ay ipinakita nya ang bracelet.

"Open it baby girl"
Sinubukan nyang buksan ang pinto sa pamamagitan ng susing nasa bracelet na yon pero ayaw mabuksan ng pinto.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now