Chapter - 11 ( Cupcakes )

1.8K 155 58
                                    

CUPCAKES.....

Jarred's POV....

Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Ellaina na nakayakap sa akin at nakaunan sa braso ko. Tapos na ang maiinit na sandali sa aming pagitan pero nanatili ako sa malalim na pagiisip. Alam kong may kakaibang nangyayari sa katawan ng babaeng yakap. Kinakabahan ako.... Na baka nagsisimula ng mabuhay ang anumang nasa dugo nya.

She was so wild kaninang angkinin ko sya at imposibleng maging ganon agad sya dahil pangalawang beses palang naming ginawa yon. I can feel it.. Theres something wrong with her. At hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman kung anong nangyayari sa kasintahan.

Marahan kong inalis ang pagkakasandal ng ulo nya sa akin. Saka ako bumangon at muli syang tinunghayan. Hinaplos ko ang makinis nyang pisngi... Hindi manlang ito kumilos sa pagkakatulog na iyon. Bumuntong hininga ako saka dahan dahang umalis sa magulong kama.. Walang pakialam sa aking kahubdan.. Kinumutan ko muna ang hubad na katawan ni Ellaina bago ko kinuha ang pantalong suot kanina saka isinuot yon.mahapdi ang aking leeg at dibdib dahil sa mga kalmot ng dalaga kanina.isang sulyap pa ang ibinigay ko sa babaeng tulog sa kama ko bago ako lumabas ng silid.

Nagpakawala ako ng isang mahabang whistle...at agad na dumating si Azzer.

"Problema? " tanong agad nito.

"There's something wrong with Ellaina... "

"Ano? " seryosong tanong ni Azzer.

Kalog si Azzer mga biruan nila ng mga ka myembro namin pero pag dating sa trabaho ay seryoso ito at hindi pumapalpak. Ginagawa nito ang lahat ng kailangan at di tumitigil hanggat di nagagawa ang iniuutos dito. Yun ang katangian nito na gusto ko. At lingid yon sa lahat.

"I think nagsisimula ng umepekto ang anumang device na nasa katawan nya" sabi ko.

"S-sigurado ka? "

Seryoso ang mukang tumango ako. Tila sya nahulog sa malalim na pagiisip..

"Jarred kung tama ang hinala mo, alam mona ang mangyayari.. Malapit na kayong maglaban.. Kailangan mong paghandaan yon".

"I know.. Pero maari ko syang pigilan Azzer diba sabi mo may ginawa kang gamot para don? "

Nagisip saglit si Azzer...

"Meron pero hindi pa naman natin yun nasusubukan sa kanya. Kailangan ko ng sample ng dugo ni Nikki para ma tiyak na eepekto yon sa kanya kapag nagwala na sya" ani Azzer.

"Okey.. Iisip ako ng paraan para makakuha ng dugo nya.. " sabi ko.

Maya-maya ay tila may nais pa syang sabihin. Kaya tinanong ko sya.

"Jarred. Alam mong hindi pwedeng mabuntis si Nikki.. "

Marahas akong napabuntong hininga matapos syang tingnan ng masama.

"Alam ko. Bata pa sya at may problema sa katawan nya. Di mona kailangan ipaalala yan"

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon