Chapter - 24 ( Jealous Women )

1.7K 196 48
                                    

JEALOUS WOMAN......






Ellaina's POV..

Bumuntong hininga ako at inalis ang bara sa lalamunan ng buksan ko ang pinto ng kwarto ni Jarred sa roof top. Kinabahan ako ng makitang nakaupo sa tabi ng kama ang binata at tila bagong paligo ito. Kung alam ko lang ay di muna ako pumasok don. Gagong Azzer kase yon sabi tulog daw si Jarred. Balak ko lang tingnan ang binata pag tulog. Sa dorm na kase ulit ako natutulog dahil bumalik na ang kaibigan. Miss ko na agad sya kaya ang balak ko ay sumilip saglit.

"J-jarred? " tawag ko sa lalaki.

Kunot ang noong nag-angat sya ng tingin sa akin. Habang tinutuyo ng towel ang buhok nyang basa. Naka roba itong kulay puti. Shit.. Iba talaga ang nararamdaman ko pag nakikitang bagong paligo sya. Kaya lang di pa kami okey eh.. Sarap sana nyang halikan pero nakakailang. Naaalala ko pa ang galit nya nung birthday ko. Para tuloy akong kinilabutan. Medyo ok na ang pilay ko napahilot kona yun kay yaya meding. Ang mga pasa at galos ay unti-unti naring naglalaho sa balat ko. Kakatwang di manlang ako nagalit kay Jarred pagkatapos ng nangyari.

Malalim na ang pagibig ko sa binata. Na kahit anong gawin nya ay handa ko syang patawarin. Tutal ako naman ang may kasalanan. Tinanong ako ni daddy kung bakit ako kinuha ni King shadow pero sinabi ko nalang na wala akong matandaan. Ayokong mahantad ang sekreto nya. Alam kong may dahilan sya kaya nya ginagawa yon. Ang magpanggap na isang imortal.

"Ellaina!! "

"A-y a-anak ng i-imortal!! "

Nagulat ako ng malakas nya akong tawagin. Ang lalim kase ng iniisip ko.

"Sabi ko lumapit ka dito! " aniya. Ang tinig nya ay naguutos. Nangaalangang lumapit ako sa binata.  Kami paba?? 

Ang hirap naman non. Walang monthsary dahil basta ko nalang sya sinabihan non na gusto ko sya. Kaya di ko tuloy malaman kung kami ba o kami pa ang dapat na tanong. Pero nabigay kona lahat sa kanya eh.. Ilang beses na rin kaming nagtabi sa pagtulog. Kaya sigurado may relasyon pa kami. Di sana naka-ban na ako sa rooftop. ?

"Are you okey? " tanong nya ng maupo ako sa tabi nya.

"O-oo kukunin ko lang sana yung......yung...ano ko.... " nagisip ako ng dahilan.  Ano ba ang pwede kong sabihin.

"Ano? " amused na tanong nya.

"Y-yung panyo ko... Naiwan ko y-yata dito! " sabi ko saka mariing pumikit. Sana naman maniwala sya at wag ng magtanong.

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi ni Jarred. Saka bumuntong hininga.

"Hanapin mo at diko alam yun! " aniya. Tumayo si Jarred at lumakad sa tokador para magbihis. Habang ako naman ay nagkunwaring hinahanap ang panyo.

Shit para akong tangang dumudukwang sa ilalim ng kama .ano naman hahanapin ko don eh wala naman talaga. Nakasilay na ako. Siguro tama na yon. Tatayo na sana ako ng biglang mapayuko muli sa kama ng makita kong inalis ni Jarred ang suot na roba at naka boxer lang ito habang pumipili ng damit na isusuot.

Shit!

Pero ilang saglit sy napangiti ako sa sarili.. Saka unti-unting sumilip sa ibabaw ng kamang pinagtataguan.

Haysss Jarred... Lakas ng appeal mo sakin pag ganyang basa ang buhok mo..

Napahalumbaba pa ako at tila nangangarap na napatulala sa kanya habang nakatalikod sya sakin. Nakalimutan kong nakaharap sya sa salamin .kaya napalundag ako ng magtama ang paningin namin ng dumako sa salamin ang tingin ko.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now