Chapter - 22 ( Married Man )

1.7K 175 60
                                    

MARRIED MAN.....



DANICA'S POV....

Nanlaki ang mga mata ko at namutla naman si Azzer ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok si Jarred. Tila nakakita ng multo ang lalaki sa ibabaw ko.

"Azzer?. Danica?? "

Gulat na gulat ang kapatid.
Then i saw Jarred anger eyes. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa aming dalawa at nagdilim ng sobra ang mukha nya ng makitang wala kaming saplot pareho ni Azzer.

Mabilis at di nakakilos si Azzerdon ng bigla syang hilahin ng kapatid ko paalis sa kama at sinuntok ng malakas. Napatili ako ng sumadsad sa kanto ng katre ang binata. Natakot ako sa talim ng tingin ni jarred sa amin. Sinipa pa nya si Azzer saka ako hinawakan ng mariin sa panga .

"Anong ginawa mo ha? Nakipag sex ka sa lalaking ni hindi mo boyfriend?" Nagngangalit ang bagang na sabi ni Jarred.

"J-jarred.. Nasasaktan ako! " napaiyak ako sa takot. Si Azzer ay mabilis tumayo at inawat ang kapatid pero sinipa lang sya ulit nito.

"Hayop ka Azzerdon.... Pati kapatid ko idadamay mo sa kalokohan mo" galit na sabi ni jarred.

"At ikaw. " baling nya sakin.  "Halos magpaka baliw ka kay Traviz bakit ngayon kasama mo na si Azzer. Ha Danica??? Sumagot ka tatamaan ka sakin! "

"Hindi ko naman sinasadya, lasing ako kagabi! " umiiyak na sabi ko. Natigilan sya at tumingin sa kakatayo palang na si Azzer. Dumudugo ang ilong nito at putok ang gilid ng labi.

Binitiwan ako ni jArred saka marahas na tinakluban ng kumot ang hubad kong katawan. Then nilapitan nya si Azzer.

"Ikaw? Lasing ka rin ba ha?? "Sigaw nito kay Azzer. Marahang umiling ang lalaki na lalong ikinagalit ni Jarred. Sinugod sya nito at pinagsusuntok.

"Tama na Jarred! " sumisigaw kong awat sa kanya.

Namalayan ko nalang na magkakaharap na kaming lima,, si Julio Evañez, si mommy, Jarred, ako at si Azzer na bugbog sarado ang katawan. Namamaga din ang bahagi ng mukha nito na napagdali ni Jarred. Naawa ako sa lalaki pero wala akong magawa. Tama lang yon sa kanya. Sinamantala nya ang kalasingan ko. Ngayon ay tiyak na idedemanda sya ng pamilya ko. Pwede syang kasuhan ng rape dahil wala ako sa sarili at imposibleng patulan ko sya kung nasa matino akong pagiisip. Wala sya sa kalingkingan ni Traviz.. Malakas lang sya sa babae dahil kadikit nya ang kapatid ko. Kung hindi sya bestfriend ni Jarred tingin ko ay walang papatol dito. Sinong magkakagusto sa mukang clown?

Im sorry Azzer... Si Jarred na ang bahala sayo.. Magagawa nila ni Daddy na idiin sa kaso ang lalaking ito. At mananatiling lihim ang lahat ng nangyari sa amin.

Pero Yun ang akala ko..

"Marry her... Hindi ako papayag na basta nalang madehado ang kapatid ko sayo! "

What?? Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinasabi ni Jarred. At mas lalo akong nabigla ng tumango si Azzer.

"Handa ko syang pakasalan. " aniya .umiling ako sa kanya..

"Jarred no, bakit ako magpapakasal sa lalaking yan? He raped me... Lasing ako at sinamantala nya yon, mommy! " baling ko sa ina na tahimik lang. Hindi ko pinansin si Julio Evañez..

Nagtataka ako kung bakit naroon sya. Bakit kailangan pa syang tawagin ni Jarred. Pwede naman na si daddy Eleazar nalang. Tutal sya na ang itinuturing kong tatay mula non pang bata ako. Pero si Julio? Tssskkk.. sila Jarred at Joven lang ang mahalaga dito. Ayaw nya ng anak na babae dahil para sa kanya ay abala lang ako..

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now