Chapter - 15 ( Isla Georgina )

1.6K 147 46
                                    

ISLA GEORGINA....



Traviz POV....

Ilang beses akong lumunok para alisin ang bara sa lalamunan ko dahil sa kabang nararamdaman sa harap ni tito Eleazar. Kung noong bata pa ako ay di ako naiilang sa kanya, iba na ngayon.. Di ako sigurado kung pareho parin ng dati ang turing nya sakin.

"Hijo ano ba ang sadya mo sakin. Bakit tila nablangko kana dyan? " nakangiting tanong ng daddy ni Ellaina.

Kinabahan na naman ako.. Napasulyap ako sa tahimik lang na si Jacob sa tabi nya. Nakakalakad na pala ang daddy ni Ellaina sa tulong ng makabagong sensya. Kung titingnan ang lalaki ay parang wala itong kakulangan sa katawan.

"Traviz? " tawag pansin pa nya sakin.

Tumikhim ako.

"T-tito gusto ko po kaseng sabihin na hindi ginusto ng daddy ko ang makipagsabwatan kay chairman" dire-diretso kong sabi.

Tumaas ang kilay ng lalaki.

"He had no choice dahil pabagsak ang negosyo namin non, alam kong alam nyo na ang totoo.. Kaya gusto ko pong humingi ng tawad dahil sa ginawa ng daddy! " dagdag kopa.

Sa isip ko ay kailangan kong makuha ang kapatawaran ng daddy ni Ellaina para mangyari ang gusto ko.

Pero bigla lang syang tumawa ng malakas na ikina-taka ko. Si Jacob ay nanatiling walang emosyon habang nakatingin lang sa amin.

"I admire your guts Traviz.." Sabi ni Tito Eleazar habang tumatawa parin. Kumunot naman ang noo ko.

"T-tito? "

"Dont worry hijo. Alam ko ang totoo, in fact plano lang namin yon ni Miguel.. "

"Ho??? " naguluhan ako sa sinasabi nya..

"Traviz marami kang hindi alam.. But i realy like your brain.. Manang mana ka sa tatay mo.. "

May alinlangan man ay ngumiti ako.

"Is it because of my daughter? "Tanong nya na ikina-angat ng mukha ko.

"Dahil kay Ellaina diba kaya ka nakikipagusap sakin ngayon? "Kumpirma pa nya.

"O-opo" sagot ko. Pagkakataon kona na sabihin ang talagang pakay.

"Speak... What about her? "

Humugot akong muli ng malalim na hininga.

"T-tito 8 years ago sinabi kong gusto kong maging asawa si Ellaina ,i still remember your promise na balang araw ipapakasal mo kaming dalawa! " dire-diretso kong sabi.

Natigilan saglit si Tito Eleazar pagkuway muling tumawa ng malakas.

"You realy love my daughter.. " aniya. "Akala koy dala lang ng kabataan mo ang sinabi mo non sakin. "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now