Chapter - 30 ( Traviz & Jacob Plan)

1.6K 147 40
                                    

TRAVIZ & JACOB PLAN......




Nikki's POv...

Kinakabahan ako habang naghihintay sa kwarto. Ano na kaya ang pinaguusapan nila sa labas. Wala akong marinig.. Isa pa naiinis ako dahil naka lock ang pinto. Ang daming agam-agam sa utak ko.. Ano nang nangyari kay Traviz? Nakita ko sya ng halos dina makatayo sa pader dahil sa ginawa sa kanya ni Jarred. Iniisip ko din si Jacob. Asan na ito at bakit di na sya nagpakita sakin?

Napatayo ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jarred.

"J-jarred? " takot kong sabi .

Lumapit sya sakin at marahas akong itinulak sa kama. Napahiga ako don matapos mapangiwi sa sakit.

"You push me to my limit Ellaina.. Anong gusto mong mangyari? Mapatay ko si Traviz para di ka na nya malapitan? "

"J-jarred kinausap ko lang naman sya eh.. " umiiyak kong sabi.

Tiningnan nya ako nang di makapaniwalang tingin.

"Kung gusto mong dumikit sa kanya, fine... " biglang sabi nito. " pero wag kanang lalapit pa sakin kahit kelan! " sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko. Di ako makapaniwala na sasabihin nya yon.

"J-jarred? " hikbi ko.. Bumangon ako sa kama. Saka sya niyakap. Naramdaman kong galit na galit pa rin sya. "Jarred seryoso kaba? " tanong kong walang tigil ang patak ng luha. Bigla akong natakot. Kung meron mang mawawala ay ayokong si Jarred yon. Mahal na mahal ko sya at sya lang talaga ang gusto ko.

"Palagi mo nalang akong ginagalit Ellaina.. Alam mo kung gaano ko sya pinagseselosan pero palagi kapa rin lumalapit sa kanya! "

"K-kase.. K-ase kaibigan ko sya! " sabi ko.

"Hindi kaibigan ang turing nya sayo.. Bakit di mo maintindihan ang punto ko ha? Mamili ka na samin ngayon Ellaina.. Binibigyan kita ng pagkakataong mamili ngayon."malungkot na sabi ni Jarred, lalo akong napaiyak. "Ako o ang Traviz na yan? "Naghahamong tanong pa nya.

"Ikaw syempre, mahal kita Jarred.." Mabilis kong sagot.

"Kung ganon layuan mo si Traviz.. Kung ayaw mong mawala ako sayo! " aniya. Tatalikod na sana sya pero hinawakan ko ang kamay nya.

"S-san ka pupunta? " .

Bumuntong hininga sya.

"Sa labas na muna ako! " walang emosyon na sabi nya. Saka dire-diretsong lumabas. Lalo akong napaiyak...

Jarred..





Azzer's POV...

Napangisi ako ng makitang lumabas na sa kwarto si Jarred. Mukang good mood na ito batay sa pagliliwanag ng mukha kesa kaninang sobrang dilim ng awra. Katabi ko si Joven na pangit, saka si Noah na saling pusa sa grupo. Sila angelo at Chad ay nasa kabilang parte ng rooftop.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now