Chapter - 02 ( HE IS JARRED DAVE EVAÑEZ )

2.2K 153 37
                                    

HE IS JARRED DAVE EVAÑEZ..




Unang kita palang ni Ellaina sa anak na lalaki ng tita Georgia nya ay inis na ang nararamdaman ng bata dito, matangkad lang si Jarred ng konti kay Traviz at halos magkasing edad lang ang dalawa. Contrast ng ugali ang dalawang lalaki. Si Traviz ay malambing magsalita at laging nakangiti samantalang si Jarred ay may pagka snob at parang laging galit. Kaya iniwasan ito ni Ellaina. Sabagay ilag naman talaga sya sa magiina pero mas matindi sa lalaki. Hindi safe ang pakiramdam nya kay Jarred.

"Barbie there's a bad boy outside, so don't ever try to get close to him.. He is bad! "

Minsang naglalaro si Ellaina ng mga barbie nya sa kwarto at kinakausap ang mga laruang manika.

Hindi nya alam na nasa may bukas na pintuan na pala si Jarred at nakahalukipkip na pinapanood sya sa pagsusuklay sa mga buhok ng laruan. Narinig nito ang sinasabi ni Ellaina sa mga barbie doll.

"And may i know who is that bad boy na sinasabi mo dyan mahal na prinsesa? "

Nagulat si Ellaina at nabigla ng makita ang madilim na mukha ng tinutukoy na lalaki. Paano itong nakarating sa tapat ng pinto na di nya nalalaman at anong karapatan nitong buksan yon ng walang pahintulot.

"What are you doing here? Get out! " asik nya sa lalaki pero ngumisi lang ito at ang kapal ng mukang basta nalang pumasok sa loob.

"Nice room.. Para ka pala talagang prinsesa eh.. Lahat ng gamit mo mamahalin" sabi ni Jarred habang iginagala ang paningin sa loob ng silid ni Ellaina.

Tumayo sa kamang kinauupuan si Ellaina at nakapamaywang na itinuro ang pinto ng kwarto nya.

"Get out! " matinis na sabi nya.

Nainis ang bata dahil di manlang  kumilos ang lalaki. Nakatingin lang ito sa umuusok sa inis na si Ellaina.

"Bakit kaba galit sakin ha? Inaano kaba? " biglang tanong ni Jarred.

Natigilan naman si Ellaina sa narinig. Nakadama sya ng guilt dahil don. Pero naiinis talaga sya sa lalaki.

"Ayoko sayo kaya wag mo akong kakausapin" sabi nya.

Natakot sya ng makita ang pagtiim ng bagang ni Jarred pero di sya nagpahalata.

"Kahit ayaw mo sakin ay wala ka ng magagawa. Kasal na ang magulang natin kaya sa ayaw at sa gusto mo magsasama tayo sa iisang bahay! " anito.

Nairita sya dahil yon ang totoo.

"I hate you, i hate your mother, i hate your family.. Bakit pa kase kayo dumating dito? " umatake ang tantrums ng bata.

Nagulat sya ng biglang hilahin ni Jarred ang braso nya. Nawalan ng panimbang ang dalagita kaya nasubsob sa may leeg ni Jarred.

"Akala mo ba di ko alam yon? " galit at nakakatakot na sabi ni jarred habang mahigpit na hawak ang pulsuhan nya. Napadaing si Ellaina sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya.

"Bitiwa----"

"Ito tatandaan mo ha, kung napapasunod mo lahat ng tao dito pwes ibahin mo ako, ikaw ang susunod sa akin naiintindihan mo!? "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now