Chapter - 23 ( Awakening )

1.6K 192 47
                                    

AWAKENING...




3rd Person's POV...

Kalagitnaan ng gabi, habang mahimbing na natutulog sa malambot na kama ni Jarred si Ellaina. Nang bigla syang magmulat ng mata.. Nanikip ang dibdib at nanlamig ang buong katawan nya. Sumakit ng sumakit ang ulo ng dalaga. Kaya bumangon sya at lumabas sa roof top para makasagap ng hangin.

Ellaina kill him...

Yun ang paulit-ulit na naririnig ni Ellaina sa utak nya. Na sa sobrang paguulit nito ay napahawak na sya sa kanyang ulo.

Anong nangyayari sakin? Eto ba yun sinasabi nila Azzer at Jarred na device na kumokontrol sa akin?? 

I breath heavely... Tumanaw ako sa madilim na bahagi ng kagubatan. Partikular sa lihim na hardin na yon..

Alam ko ang lugar na yon..

Pero di nya maisip kung ano nga ba ang naroon. Pinilit alalahanin ni Ellaina ang lahat.. Pumikit sya para isipin..

Think Ellaina.. Remember everything...

Ellaina..you find everything here to save you..

Baby im sorry.... I need you to fight for me..

Pagbayarin mo sila sa ginawa nila sakin....

Ellaina... Wake up..

Ellaina this is your faith.. You are born for this.

Yun ang mga salitang umuukilkil sa utak ni Ellaina.boses yon ng ina... Sigurado sya don.

Then she opened her eyes.. Saka kinapa ang bracelet na suot. Tila wala sa sariling sumampa sya sa railing ng roof top at walang takot na tumalon sa baba mula don. Nakaluhod syang bumagsak sa lupa.

Saka naglakad patungo sa gubat. Gamay ng mga paa nya ang nais puntahan. Sigurado syang doon yon. Sa mga nakaharang na baging at iba pang ligaw na damo. Hinawi yon ng dalaga para makita ang lihim na pinto. Binuksan nya yon at pumasok. May isa pang pinto sa loob non. Nilapitan yon ni Ellaina. Kinuha ang bracelet sa kamay at isinuksok ang tila susi don sa maliit na susian na naroon sa pinto.

Narinig nyang nabuksan yon. Pumasok sya at tiningnan ang loob. Kumunot ang noo ni Ellaina. Napakadaming armas don pero ang nakaagaw ng pansin nya ay ang archer na nakadisplay sa gitna. Nilapitan nya yon.. May nakaukit don.. QUEEN .puno ng emosyong hinaplos yon ni Ellaina. Sa tabi nito ang mga bala ng palaso. Puno yon ng ibat ibang kagamitan sa pakikipaglaban. May mahabang eapada na nakasabit sa dingding.. Pero alam niyang may mas importanteng bagay ang naroon.

Lalapit na sana sya sa bagay na yon ng biglang may humawak sa balikat nya.

"E-ellaina.. "

Narinig nya ang tinig ng lalaki. Malamig ang tinig na nagsalita si Ellaina.

"Nasa akin paba ang katapatan mo? " tanong nya sa lalaki.

"Makakaasa ka Ellaina. "

Ngumisi si Ellaina saka hinarap ang lalaki.

"Sasama ako sayo.. Kailangan kong makausap si daddy! "

Tumango lang ang binata.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now