Chapter - 19 ( The Unenvited )

1.5K 165 50
                                    

THE UNENVITED.......



NIKKI'S POV...

Para akong maiiyak sa tingin na ibinigay sakin ni Jarred habang walang emosyon sya na nakatitig sa kamay kong hawak ni Traviz. Hindi ko mabasa ang laman ng isipan ng lalaking minamahal pero alam kong nagpupuyos sya sa galit batay sa nagiigting na panga nya.

Pero wala syang ginawa. Kaya kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Sa gitna ng pagtitipong iyon ay hindi ako pinakawalan ni Traviz. Gustuhin ko mang kausapin si Jarred ay di ko magawa dahil sa amin ni Traviz nakatutok ang paningin ni Daddy. Nagtama pa ang mata namin ni Jacob na katabi ng ama na tila alam nito ang nararamdaman ko.

Nang magsimula ang 18 dance ay hindi kona maunawaan pa ang nangyayari sa paligid. Biglang nanikip ang dibdib ko at tila ako nahihilo..ngunit pinilit kong tapusin ang sayaw. Mga hunting eagles at black knight ang nakasayaw ko saka sila Calvin at Jaime.

"N-nikki anong ginawa mo? You started a war" bulong sakin ni Azzer nong isayaw nya ako.

Kinabahan ako sa sinabi nya. At napatinging muli sa pwesto ni Jarred. Nakita kong tumayo ito at umalis.

Jarred...

Hindi pa nya ako naiisayaw... Pinigil ko ang maiyak.. Napatitig sa mukha ko si Azzer. Pero pilit na ngumiti ako sa lalaki.

Nang iabot nya ako kay Traviz ay nagsalita ito.

"Congrats Traviz..." Sabi ni Azzer pero sarkastiko yon sa aking pandinig.
ngumisi lang sa kanya si Traviz. Saka kinuha ang kamay ko kay Azzer. Habol ko pa ng tanaw si Azzer. Na sinundan si Jarred. Hinintay kong bumalik sya sa party kasama ang nobyo pero hindi kona sila nakita.

Malungkot kong inalis don ang tingin. Nagtama ang mga mata namin ni Traviz pero hindi ako nagsalita. Masama pa ang loob ko sa kanya. Habang nagsasayaw kami sa kantang HOW DO YOU KEEP THE MUSIC PLAYING.



Azzer's POV...

Nakita ko ang shocked sa mukha ni Danica ng i-announce ang engagement nila Traviz at Nikki. Tila pa nga pinigilan niya ang maiyak. Napatiim bagang ako... Pero mas nagaalala ako sa kapatid nya. Tahimik si Jarred sa kinauupuan at kapag ganon na kalmado sya ay isa lang ang ibig sabihin non. Hindi masayang matatapos ang party ni Nikki.

Nakita ko syang pumasok sa loob ng hotel. Nagmadali akong sumunod sa kanya. Sinenyasan ko sila Chad at Angelo, si noah ay parang tanga... Kanina ko pa hinihintay tumingin sakin ang gago para masenyasan ko syang sumunod pero busy ito sa katabing si Ayesha..

Bakit kase naisali pa sa grupo yang Noah na yan, bukod sa di naman kagalingang humawak ng sandata ay para pa itong kabuting susulpot sa roof top. Mas priority nito ang basketball kaya ayun kulang sa galing.

Hinayaan ko nalang si Noah at dumeretso na papunta kay Jarred kasunod sila Chad at Angelo.

Naabutan namin sya sa hallway ng hotel. Nakasandal sya don at parang bulkan na anumang oras ay sasabog. Nagaatubili kaming lumapit sa kanya. Mahirap na baka samin mabunton ang galit nya. Si nikki ang dapat kagalitan nya hindi kami. Kitang-kita naman na alam nya ang mangyayaring announcement ng daddy nya. Bakit di manlang nya sinabi kay Jarred bago ang party. Tskk.. Paano kaya namin mapapahupa ang galit nito.

"J-jarred.. " tawag ko sa kanya matapos akong sikuhin ni Chad.

Parang gusto kong umatras ng mag - angat sya ng mukha. Pulang -pula ang mata nya sa sobrang galit. Napansin din namin ang panginginig ng kamay niya.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now