Chapter - 28 ( Traviz's Plan )

1.6K 137 58
                                    

TRAVIZ PLAN..
.




Azzer's POV....

Tumaas ang kilay ko ng madatnan si Joven sa roof top na kausap ni Jarred. Anong ginagawa nito don? Ano magpi feeling belong sya sa grupo namin pagkatapos nyang ilagay sa panganib ang buhay nila Nikki at Jarred non.? Kasalanan nya ang lahat pati ang pagdukot kay Imarie at ang nangyari kay Trina. Sya ang dapat sisihin..

Inis akong pumasok at lumapit kay Jarred. Kahit di nagsasalita ay alam kong stressed na stressed na ang kaibigan ko. Dumagdag pa kase ang nagpapasaway na gf nya na naroon din sa roof top katabi ni Jarred na akala moy anghel ang mukha na kailangan lagi ng proteksyon pero ang totoo ay ito pa ang delikado.. Tsskkk lagi nalang nagsisimula ng gulo ang Nikki na to. Mula ng makaalala na si Nikki ay nagiba ang ugali nito o baka ganon talaga sya non pa man. Di lang pinapahalata. Nung malaman na baliw sa kanya ang leader namin ay saka ipinakita ang sungay.. Tsk, tsk.. Kaya ang sarap asarin nito eh.. Pareho sila ni Danica.. Pikon! Kinilig ako ng konti ng maalala ang asawa.

"Jarred may meeting ba tayo? " tanong ko. Nakita ko pa na inirapan ako ng babae nya. Tinaasan ko naman ito ng kilay.

"Kanina pa kita hinihintay. Asan na yun report mo about Aurelio? "

"Ah bukas ko nalang ibigay, gamit pa kase ng asawa ko ang laptop" kinikilig kong sabi. Nasira kase ang laptop ni danica kaya hiniram yung sakin.

"Asawa? M-may asawa kana? "

Napatingin ako kay Joven na tila nabigla.. Hindi pa nga pala nito alam ang tungkol sa amin ni Danica. Paano nagkulong ito sa isla kasama si Imarie. Naku pag nalaman yun ni Seb ewan ko lang kung magkaroon na naman ng sagupaan dito. Isang pagkakamali na tanggapin ito ni Jarred. Hmm nagkataon lang na kailangan namin ng pera.. Para lang naman sa malditang si Nikki ang ginagawa namin na kung awayin ako ay... Tskkk... Kung alam lang nya ang pinagdaraanan kong hirap sa pagiisip mawala lang ang bisa ng lintik na device na yan.. Tapos ano lang ang gagawin nya? Tumakas at magensayo?? Hindi pa yata alam ng Nikki na ito na lahat ng kilos nya nakadetalye kay Jarred. Kulang na nga lang ikulong ni Jarred sa kwarto aba at nakatakas parin.. Akala yata ay may Jacob pang darating.. Dinispatsa na ni Jarred ang traydor na yon. Tinuturuan nilang magtanim ng galit si Nikki para magamit nila sa pakikipaglaban. Tskkk kahit ako ay ayaw ko din yong mangyari sa Danica ko... Kaya naiintindihan ko si Jarred. Pero ito lang talagang si Nikki ang epal. Maagang mamumuti ang buhok ng leader namin dahil sa kanya. Tskk.





Ellaina's POV.....

Inirapan ko si Azzer. Pasalamat sya at hirap pa akong maka -move on sa nalaman about kay Trina. Sarap batuhin ng patalim ang mata nito. Si Joven ay diko na lang pinansin at baka makapatay pa ako. Kaming apat lang ang naroon sa roof top. May meeting silang tatlo at nagtataka ako kung bakit kasali si Joven.

"Sinong napangasawa mo Azzer? Ang bata mo namang ikinasal! " sabi ni Joven.. Feeling close tsk.

"Hindi mo paba alam? Namundok ka kase.. Sabagay bagay ka don " ngisi ni Azzer. Nakita kong namula sa galit si Joven.

Natuwa ako sa panonood. Tila may inis sa isat-isa ang dalawa. Kung magkasakitan man sila ay okey sakin kahit sino ang masaktan.
Pabor sa kin.

"Si Danica ang asawa nya, pinikot yata nya ang kapatid mo! " sulsol ko pa kay Joven na ikinalaki ng mata nito. Napangisi ako pero natigilan din ng makitang nakatutok sa akin ang matalim na titig ni Jarred. Binawi ko agad ang ngisi saka painosenteng sumandig sa balikat nya.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα