Chapter - 08 ( Cold heart )

1.8K 148 49
                                    

COLD HEART....



Nikki's POV...

Maaga akong bumalik sa Mondejar University. May isang tao pa akong nais makita. Pinuntahan ko agad ang taong yon sa storage room ng dorm. Nakita ko syang nagaayos don. Natigilan si Aling Meding nang makita akong pumasok don at isinara ang pinto.

"A-anong ginagawa mo dito? " kunot ang noong tanong sakin ng matanda.

Mabilis na nabasa ng luha ang pisngi ko habang nakatitig sa kanya. Nagtaka naman ang kaharap kung bakit ako umiiyak.

"Y-yaya.... " hirap kong sambit dahil sa pagpiyok ng boses ko sa malabis na pagiyak.

Nang marinig yon ay nanlaki ang mga mata ni Aling Meding.

"Y-yaya Meding... A-ako to.. Si E-ellaina! " humihikbing sabi ko at mabilis syang niyakap.

Napaiyak din ang matandang nagpalaki sakin non. Nagyakapan kami habang umiiyak sa loob ng storage room.

"E-ellaina.. Alam kong ikaw yan.. Bumalik na ang alaala mo" umiiyak nitong sabi .

"Yaya bakit di ka nagpakilala agad sakin? "

"Dahil ayoko nang makaalala kapa.. " sabi nito saka pinahid ang luha.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya.

"Y-yaya anong ibig mong sabihin? " tanong ko dito.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Señorita.. Maling -mali na ibinalik kapa nya dito.. Mapapahamak ka lang"

"Paano nyo po nasabi?at sino po ang tinutukoy nyo?"

"Si Master Jarred. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari pero alam kong maraming gustong pumatay sayo, Ellaina hindi nila dapat malaman na buhay at nakakaalala kana" sabi ni aling Meding.

Pero hindi ako nakadama ng takot. Sila ang dapat matakot hindi ako.

"Si Master Jarred ba ang nagligtas sayo non?" Pagkuway tanong nito.

Marahan akong tumango.

"Ellaina magiingat ka, hindi mo Kilala ang tunay mong kalaban. Naalala mo naman siguro ang bilin sayo ng mommy mo diba? "

Tumango ako saka pinahid ang luha.

"Yaya kailangan kong alamin lahat ng nangyari non. Kung sino ang nasa likod ng lahat ng to. " mariin kong sabi.

"Kalimutan mo na ang nakaraan Ellaina.. Ang importante ay ang ngayon..nakita kong masaya ka na sa mga kaibigan mo... Sa bago mong pamilya at kay..... Master Jarred. "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon