Chapter - 18 ( The Engagement Birthday party )

1.5K 154 40
                                    

THE ENGAGEMENT BIRTHDAY PARTY.....






AZZER'S POV....

Sa roof top namin itinuloy ang paguusap. Mahirap na baka may makatunog pa sa sasabihin ko kay Jarred.

"Anong sasabihin mo? " tanong ni Jarred pagkadating don.

"Nalaman kong nagbabalak sumugod ang mga tao ni Chairman sa party ni Nikki! "

Nagdilim ang mukha ni Jarred sa sinabi ko.

"Hindi nya pwedeng sirain ang party ng reyna ko.. Sabihan mo ang mga tao natin. Lahat ng mga myembro ng black knight pati sa labas Sabihan mo na magbantay sa hotel na yon sa araw ng birthday ni Ellaina" aniya.

Tumango naman ako. Mukang mapapasabak kami ng maaga sa labanan pero okey lang. Mas excitting yon. Bigla ay may naalala ako.

"A-alam mo naba ang tungkol kay Traviz? "

"A-anong tungkol sa kanya? " kunot noong tanong nya.

"Nakikita sya lagi ng tao natin sa devil's place..ang galing na daw makipaglaban.. Akalain mo yun? Natalo nga si Bambi.. Shit fans na nya ako! " ngiti ko pa.

Nagtaka ako ng matalim nya akong tingnan.

"Are you really that stupid? "Asik nyang tanong. Nagtaka tuloy ako.

"Ha? "

Marahas syang bumuntong hininga.

"Sa tingin mo bakit nya yon gagawin? "

Nagisip naman ako..

"Para magyabang... Mayabang sya eh tapos para magpapansin sa mga girls----"

"Azzerdon! " pigil nya sa sinasabi ko .itinikom ko ang bibig.

"He's up to something. manmanan mo ang hunting eagles.. Baka mamaya bigla nalang tayong sugurin ng mga yon patalikod! "

Ha??? Bakit naman nila yon gagawin? Napaisip tuloy ako at ng maalala si Nikki ay nanlaki ang mata ko.

Si Nikki ang tanging maaring dahilan ng hunting eagles. hanggang ngayon ay di pa din pala ito maka-move on. Haysssss..

"And Azzer !" Tawag pa ni Jarred. "Pakisabi sa canteen na wag ng magsama ng seafoods sa menu nila" .

"What? Jarred alam mong paborito ko ang seafoods. Anong seafoods ba? "

"Lahat! " sagot nito.

"Ano? Wag naman ganon Jarred.. Yon na nga lang ang favorite ko"

"Wanna die? " aniya na ikinatigil ko .pero shit bakit seafood pa. As in lahat.? Anong problema nito? Laylay ang balikat na nilisan ko ang roof top.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon