Chapter - 09 ( How To Win A Girl's Heart )

1.8K 150 56
                                    

HOW TO WIN A GIRL'S HEART?.


Nikki's POV...

Nabigla ako ng tumigil sa harap ko ang isang sasakyan. At bumaba ang mga lalaking naka americana. Kumunot ang noo ko pagkakita sa kanila.

"Señorita Ellaina, pinapatawag po kayo ng daddy nyo! "

Nagulat ako ng marinig yon at bigla akong nakaramdam ng pananabik sa ama na matagal nawalay kaya sumama ako sa kanila.

Nakarating kami sa isang mansyon.hindi ko kilala ang bahay na yon. Marahil ay yon ang bagong mansyon ng ama.

Pero kumunot ang noo ko ng makita si Jarred at Danica don. Lihim akong nabigla at naitanong kung kanino kayang bahay yon.

"E-ellaina. "

Napalingon ako at nakita ang ama. Kumunot ang mata ko ng mapansing naka wheel chair ito at tulak ni Jacob.

Jacob..

Nang sumulyap ako sa tabi nya ay nakita ko si Tita Georgia na umiiwas ng tingin sa akin.

Niyakap ako ng ama. Nagkunwari akong hindi sya natatandaan. Pero ang totoo'y naiiyak na ako .sino ang gumawa non kay daddy?.

",sinabi na sakin ni Jarred na nagka-amnesia ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi mo ako naaalala... Nang matagpuan ka ni Jacob ay alam kong ikaw na nga talaga ang tunay kong anak. Kamukang -kamukha ka ng iyong ina.. "Sabi nito. Napatingin naman ako kay Jacob na tahimik lang sa tabi nito.

Tipid akong ngumiti. Alam kong nakatingin silang lahat sakin kaya kailangan kong galingan ang pagpapanggap. Lalo na at nararamdaman ko ang titig sakin ng nobyo. Hindi ko alam na nakalabas na pala ito ng ospital.

"Kailangan kitang ipakilala sa lahat bilang si ellaina. Gusto kong magpa-party para sayo anak! "

"Ho? " nagulat ako sa sinabi nya. Ayoko ng kahit na anong party lalo na at naaalala ko ang nangyari non.

Tahimik lang ang mga kaharap namin at hinayaan kaming magusap na dalawa.

"Ayaw mo ba anak? " tanong ng ama.

"S-saka nalang po pag okey na ang memories ko" sabi ko nalang.

"Okey, but i want to announce you as my daughter kahit sa MU manlang.. Nalaman kong binubully ka daw don. Kaya dapat nilang malaman na ikaw si Ellaina Mondejar at wala silang karapatan na i-bully ka! "

"Okey lang ho ako, " sabi ko.

Tumikhim ang ama. Tila naintindihan nito ang pagtitig ko sa paa nya.

.
"Nung nagkaron ng sunog, nadaganan ng umaapoy na bakal ang paa ko anak, kaya kinailangang putulin".

Lihim akong napatiim bagang. Nadagdagan na naman ang galit ko sa mga taong nasa likod ng lahat ng nangyari samin 8 years ago. Lihim kong tiningnan sila Georgia at Danica..

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now