Chapter - 20 ( King Shadow's identity )

1.6K 147 40
                                    

KING SHADOW'S IDENTITY. ..




Nikki's POV...

"Jarred!!!!! " malakas kong isinigaw .umaasang darating sya at ililigtas nya ako sa sitwasyong kinasasadlakan. Nakita kong saglit na natigilan si King shadow at nilingon ako..

Saka muling tiningnan si Traviz.. Malakas ang kabang nanalangin ako na sanay ibaba na nya ang hawak na palaso. O di kayay dumating si Jarred.. Iginala ko din ang tingin sa paligid at umaasang makikita siya o kahit na sinong myembro ng black knight. Pero wala kahit isa sa kanila. Baka nagalit na talaga si Jarred at umalis na. Lalo tuloy akong napaiyak.

"J-jarred... " hikbi ko...

And king shadow look at me again. This time galit na nyang itinapon sa isang tabi ang hawak at mabilis ang mga hakbang na nilapitan ako saka hinaklit sa bewang patayo. Natakot ako... Lalo na ng kaladkarin nya ako paalis ng hotel na yon.

"Ellaina! " sigaw ni daddy.

Tinangka pang humabol ni Traviz pero tinutukan siya ng baril ng dalawa sa mga lalaking kasama ni King shadow. Nakita kopa si Jacob na nakatingin sakin bago sila nawala sa paningin ko.

Malalaki ang hakbang ni King shadow habang hawak ako sa kamay. Ilang ulit akong nadapa dahil natatapakan ko ang mahabang suot na gown pero hihilahin lang nya ako ulit at kakaladkarin palakad.

"B-bitiwan mo ako... Ano ba?" Galit kong sabi pero di nya ako pinakikinggan. Sa muli kong pagkadapa ay naramdaman kong napilayan ako.mataas pa naman ang takong ng suot kong sapatos.

Nang makita nya na dumaraing na ako sa sakit ng paa ay marahas nya akong pinasan sa balikat nya.

"Help... Help... " sigaw ko habang sinusuntok ko ang likod ni king shadow. Pero wala manlang sumunod sa aming dalawa. Dahil tiyak sa mga lalaking de -armalite.lalong nagpuyos ang damdamin ko. Sinubukan ko syang sipain pero mariin nyang pinisil ang dalawa kong binti na ikinaiyak ko. Ang sakit.....

Ano bang nagawa ko dito? Sa pagkakatanda ko ay tagapagligtas ko sya bakit ngayon parang bumaligtad yata. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

Nakalabas kami ng hotel habang karga nya ako. Diretso si king shadow sa parking lot at may binuksang kotse na diko alam kung kanya. Marahas nya akong ibinalibag sa likuran non. Nanlaki ang mata ko ng isara nya ang pinto don at ng tangkain kong buksan ay naka locked na yon. Saka sya pumasok sa loob ng driver seat.

"S-san moko dadalhin? " nanginginig sa takot na tanong ko sa lalaking nasa unahan ng sasakyan.

"Shut up! " asik nya.

At mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na yon.

"K-king shadow..." Umiiyak kong tawag sa lalaking tila hinahabol ng sampung demonyo sa tulin ng patakbo.

Napahawak ako sa upuan ng sasakyan. Kung may kasalubong lang kami ay baka maaksidente kami dahil di tuwid ang pagmamaneho nya.

"S-stop the car! Stop the car! " i shouted at him. Pero matalim lang nya akong sinulyapan sa likuran.

Nang di sya umimik ay tahimik nalang akong lumuha .nakita kong sa MU nya itinigil ang kotse.

"Open the gate! " utos pa nito sa natulalang security guard na naroon.

Pumarada sa tapat ng campus building ang sasakyan. At kinabahan ako ng bumaba sya. Binuksan nya ang pinto sa tapat ko at hinila ako sa kamay. I tried to avoid his hand pero kinuha pa rin nya yon at madilim ang mukang hinila ako pababa ng sasakyan.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα