Chapter - 03 ( SHE MUST DIE )

2K 142 41
                                    

SHE MUST DIE......



Naging masaya ang isang linggo ni Ellaina dahil bakasyon ni Traviz sa klase kaya napirmi ito sa hacienda. Madalas silang mamasyal at maglaro sa kaparangan. Hindi na nya nabigyan ng pansin si Jarred dahil may kalaro na ulit sya.

"Ellaina, do you still love playing those dolls?"

Isang araw ay sabi ni Traviz kay Ellaina habang naglalaro sila ng lalaki sa hardin.

"Yes, why? "

"W-wala lang, malapit kana kaseng mag 10,i just thought na baka iba na ang gusto mong gift aside from those toys"

"Barbie lang ang gusto ko,pero pwede rin ang teddy bear" ngisi ni Ellaina.nakangiting tumango-tango naman si Traviz.

Handa naman nyang hintaying mag-matured ang kababata saka nya ito liligawan at pakakasalan.

Habang naglalaro si Ellaina ay kinalikot muna ni Traviz ang cp.nagbura sya ng mga ilang photos don.nang biglang hablutin ni Ellaina ang cp nya saka tiningnan yon .kasalukuyang ang naroon ay ang photo ng pinsan ng bestfriend nyang si Seb.

"S-sino to?" Kunot ang noong tanong ni Ellaina.

"Si Ayesha yan,gf ko!" Pagsisinungaling ng lalaki.gusto lang nyang makita ang reaksyon ng kaibigan.

"Gf? Ano yon?" Curious na tanong ni Ellaina na ikina buntong hininga ni Traviz.ang hirap magpaselos kapag inosente ang kausap.

"Girlfriend..kasintahan!" Sagot ni Traviz na ikinalaki ng mata ni Ellaina.

"M-may kasintahan kana?"

Nakangising tumango si Traviz.biglang sumimangot si Ellaina saka iniwan ang kaibigan.

"E-ellaina!"

Kaya ng hapunang yon ay kapansin-pansin ang matalim na sulyap ni Ellaina kay Traviz.bagay na napansin ng ama ng dalagita.

"May problema ba ang prinsesa ko?"

"Wala po!" Sagot ni Ellaina saka iningusan si Traviz, si Jarred ay tahimik na nakikiramdam lang.

"Meron yata eh,bakit ka nakasimangot?" Malambing na pangungulit ni Eleazar sa anak.

"Si Traviz po kase may girlfriend na!"

Napanganga ang mga naroroon sa sinabi ng dalagita,maging ang ilang kawani ng bahay ay napahagikgik lalo na at nakikitang tila may LQ ang dalawang kabataan.inaasahan na kase ng lahat ng naroon na si Ellaina at Traviz ang ikakAsal pag dating ng tamang panahon.yun naman ang kaugalian ng mga mayayaman.

"Totoo ba yun Traviz?" Kunwari ay galit na tanong ng ama ng bata sa binatilyo.

"Hindi po Tito," nakangising sagot ni Traviz.

"Sinabi mo kaya kanina" hirit pa ni Ellaina.

"Pinsan lang yon ni Seb,kaibigan ko..ikaw lang ang gusto ko Ellaina ano kaba?"

Natigilan muli ang lahat sa sinabi naman ni Traviz.lalo na si Danica at Jarred na biglang nagdilim ang mukha.umirap lang nang may munting ngiti si Ellaina. nasiyahan sya sa sinabi ni Traviz.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now