Chapter - 17 ( Traviz's Kiss )

1.6K 153 39
                                    

TRAVIZ'S KISS





Nikki's POV....

Nahulog ako sa malalim na pagiisip.. Bigla akong namroblema.. Paano ko sasabihin kay Jarred ang tungkol sa engagement na yon? Baka magalit ang nobyo ko pag sinabi ko yon sa kanya.

Kinabukasan ay naging matamlay ako buong klase.. Lalo na at wala paring balita kay Imarie. Pinuntahan din ako ng tauhan ni daddy at sinabing kailangan kong mamili ng isusuot na dress sa birthday ko. Pero sa halip na ma-excite ako ay kinakabahan ako sa nalalapit na pagdiriwang. Ni hindi ko matingnan ang mga disenyo sa iniwan nilang magazine sakin.

"Nikki ano ba yang bff mo, kelan ba ang balik? Lampas ng isang linggo wala pa sya. ." Sabi ni Calvin.

Nakatambay kami sa bench malapit sa hallway.

"H-hindi ko a-alam. .sabi nya may importante pa syang gagawin don eh" pagsisinungaling ko sa kanila.

Minsan ay gusto ko ng sabihin sa mama ni Imarie ang nang yari kaya lang nagtitiwala ako kay Jarred sa sinabi nya na okey lang ang kaibigan. Isa pa ayokong magalala ang mama nito.

Pero mas pino-problema ko ngayon ang engagement namin ni Traviz. .at talagang isasabay pa sa birthday party ko.

"San pala gaganapin ang party mo Nikki? Envited ba kami? ?" Si Kate.

"Ha? O-oo naman syempre. Sa hotel daw sabi ni daddy eh, bukas ako mamimigay ng envitation card" sabi ko.

Na-excite naman ang mga kaibigan.natanawan ko pa si Trina sa malayo na nakatingin sakin.. Pero di kona lang pinansin.

Nang matapos ang klase ay sinadya kong puntahan ang hide out ng mga hunting eagles para kausapin si Traviz.

"N-nikki?? " nabigla si Seb ng makita ako don.

Matagal na rin akong di nakakapunta don mula ng maglagi ako sa roof top. Isa pa ayokong magalit si Jarred pag nalaman nyang napunta ako sa lungga nila Traviz.

Nakita ko ang hinahanap na lalaki kausap sila Raiko at bobbie. Nakakapanibago ang kaseryosohan ng mukha ni Traviz. Napakalayo sa unang beses na nagkita kami sa MU non sa clinic.

"Pwede ko bang makausap si Traviz?" Tanong ko sa kanila.

Tumango naman ang mga ito at iniwan kami. Matiim akong tinitigan ng kababata ng maiwan kaming dalawa don.

"Ellaina anong ginagawa mo dito?" Tanong nya nang maupo s katapat na upuan.

"T-traviz... Alam mo ba ang tungkol sa engagement natin? " diretso kong tanong sa lalaki.

Saglit lang syang natigilan pagkuway tumango. Nagulat ako sa pagamin nya.

"A-alam mong si Jarred ang mahal ko, b-bakit ka pumayag? "Nagaakusang tanong ko sa kanya.

Malamig at walang emosyon ang matang tiningnan ako ng binata. There is something creepy in his stare na kinabahan ako.

"Pumayag? Bakit hindi? In fact ako ang nagsabi kay tito about sa engagement natin.. "

"T-traviz?? "

Di makapaniwalang nasambit ko ang pangalan nya.. Si Traviz paba to? Sya paba ang kaibigan na sobrang pinahahalagahan ko ?

Tumayo sya at marahas na humarap sa akin.

"Noon pa man ay engage kana sakin. Remember Ellaina?? You are going to be my wife after you graduate here. --"

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now