Chapter - 25 ( Joven's Move )

1.6K 172 39
                                    

JOVEN'S MOVE....




Eleazar's POV...

Marahas akong napahinga... Nagagalit ako at ang nais ko ay mailabas yon.  I used my brain..... Bakit at paano nalaman nila Jarred at Azzerdon na yon ang tungkol sa device? Paano nila naba-block ang data non.. Kay tagal kong hinintay na ma-access yon. Lumalabas ngayon na walang silbi si Ellaina sa mga plano ko.. Kahit pa magiging magaling syang assassin ay anong silbi non kung nakakaramdam parin ito? She can't kill, im sure of that.. Kung sana ay di nangyari ang aksidente non at kung dilang sana nawalay sakin ang anak..di sana naturuan kona sya ..pero itinago sya sakin ni Jarred.. Anong plano nito?

Device ang magpapasunod sa dalaga hindi ang Jarred na yon. Ang lalaking yon talagang ginagalit ako.. Ipinakasal pa nya sa kanang kamay nyang si Azzerdon  si Danica... Anong gusto nilang mangyari???

"E-eleazar.. "

Napatiim bagang ako ng marinig ang tinig ni Georgia. Napopoot akong tumingin sa babae. Nagulat ito ng ibalibag ko ang tasa na nasa table.

"Anong pagpapalaki ang ginawa mo kay Jarred ha Georgia??? Bakit hindi ko sya mahawakan sa leeg?? " malakas na sabi ko.

"Eleazar, wala akong magagawa dahil may sariling isip ang anak ko! "

"Damn him!, your son ruin my plan.." Humihingal ako sa galit. Wala naman sagot ang babae.

"Eleazar.. Kahit di ko alam ang plano ng anak ko ay nasisiguro kong wala syang masamang balak sayo ,your Elaina's father.. Mahal na mahal nya ang anak mo at-------"

"He can't have my daughter!!,hindi ako papayag.. Kausapin mo ang anak mo georgia, kung hindi sila titigil ng Azzerdon na yon ay mapipilitan akong idamay sila sa paghihiganti ko! "



Ellaina's POV...

Wala naman akong dapat ikagalit sa nakita ko sa canteen pero iba kase... Ang kapal lang ni Trina na basta lumapit sa boyfriend ko. Bakit nya gagawin yun? Akala ko ba si king shadow ang mahal nya? Wait... Si king shadow at si Jarred ay iisa? Hindi kaya alam na rin nya?

Naiirita na naman ako. Pumunta muna ako sa green field at naupo sa  isang bench don. I need to control my anger or my emotion. Walang maiitulong kung paiiralin ko yon.

Then naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Hi? "

Napapikit ako. Kasasabi ko lang na kailangan kong kontrolin ang emosyon ko pero heto at kumukulo na agad ang dugo ko pagkakita kay Trina. Ano namang kailangan nito.

"Bkit nandito ka? " i asked.

"wala lang, masama ba? "

"Hoy maayos ang tanong ko sayo ha, umayos ka! " naiirita kong sabi. Ngumisi lang sya. Nakakaasar ang ngising yon .

"Masaya lang ako dahil nagustuhan ni Master Jarred ang macaroni salad na gawa ko.. "

Napakuyom ang kamao ko. San naman ito gumawa non? At paano?

"Umuwi kase ako samin kaya naisip kong dalhan sya! "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora