Chapter - 07 ( Rugged Fire of Anger)

1.8K 142 36
                                    

RUGGED FIRE OF ANGER....






PRESENT.....


Nikki's POV.....

Ako si Ellaina Mondejar?

Patuloy na lumakas ang ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin. Tila bagyong dumaloy sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Kasabay din non ang umusbong na galit sa dibdib ko.

Walong taon... Walong taon akong nangangapa sa nakaraan, walong taon kong itinatanong sa sarili kung sino at anong pagkatao ang meron ako. And now that i remember everything .mariin kong naikuyom ang kamao.

Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sakin...

Lahat sila.....

Lahat-lahat sila...

I close my eyes tightly at hinayaang dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ko. Nakaluhod lang ako sa damuhan habang di alintana ang lamig dahil sa pagkabasa ng sarili sa ulan.

Ipinapangako kong aalamin ko ang lahat.. Kung sino ang nag-utos na patayin ako. Saka ko sila unti-unting sisingilin. I promised..... I'll take my revenge soon. At pumikit ako para muling alalahanin ang lahat.




"Tita Georgia? "

"Ellaina hindi ka na dapat iniligtas ni Jarred. Panganib ang dala mo sa anak ko."

"T-tita.. "

"Im sorry Ellaina, you need to die! "

"T-tita!!!!!!! "


I gritted my teeth sa alaalang yon kung paano akong nahulog sa bangin. Tila nararamdaman kopa ang sakit ng katawan na naramdaman ko noon. Si Georgia at Danica ang unang -una kong sisingilin. At sisiguraduhin kong luluhod sila para magmakaawa sakin pag dumating na ang oras na yon.

Ilang oras ako doon na hindi kumikilos. Hanggang tumila ang ulan ay naroon pa rin ako sa masukal na gubat na yon.. Hindi lang katawan ko ang nilalamig kundi maging ang aking puso. Pero naisip kong mas mabuti na yon. Kailangan kong maging manhid para sa aking pinaplano.

Ilang saglit pa ako sa ganong pwesto ng makarinig ako ng mga tawag nila Imarie at Noah.

"N-Nikki.... " nabigla pa si Noah ng tumama sakin ang flash light nyang dala.

"Bff... "

Mabilis nila akong nilapitan at mahigpit akong niyakap ni Imarie. Napaiyak ako sa kaibigan.

"Bff, akala ko kung napa ano kana eh" iyak ni Imarie. Si Noah ay nakatayo lang sa tapat namin..

"Anong nangyari sayo Nikki? " tanong nito.

Naalala ko ang ginawa ni Mira sa akin. Napatiim bagang ako sa galit.

"Si Mira.. Tinangka nya akong patayin!" Sabi ko .

"Baliw ang babaeng yon bff, muntik na kami ni Seb na mapatay ng babaeng yon"

Gulat na napatingin ako kay Imarie. Bigla akong nagaalala sa kaibigan.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ