Chapter - 05 ( Till We Met Again )

1.9K 152 39
                                    

TILL WE MET AGAIN.....



______^^^_______
Sumapit ang birthday party ni  Ellaina. Maraming mahahalagang tao ang dumating sa hacienda .ginanap ang pagtitipon sa malawak na bakuran ng mansyon. Ano pat napakarangya ng okasyong iyon.

Pero ang mga mata ni Jarred ay nakatutok lang sa masayang nagdiriwang ng kaarawan. Hindi nya inaalis ang tingin dito. Naghihintay sya ng tamang oras para itakas ang dalagita. Alam nyang di ito papayag sa gagawin nya pero kailangan. Kahit sapilitan pa nya itong kunin ay gagawin nya.

Nawala lang ang atensyon nya ng mamataan ang isang binata na kakaiba ang kilos. Jarred knows that he is secretly starring at Ellaina. Ganon din sa paligid. Kinabahan ang binatilyo at sa halip ay na-focus sa lalaking yon ang atensyon ni Jarred.naisip nyang Baka nagbago ang plano. Kaya minasdan nyang mabuti ito.

"Jacob, its been a long time hijo! " binati ito ni Eleazar.

Kumunot ang noo ni Jarred, di yatat ito ang Jacob na minsan ay naikwento sa kanya ni Ellaina. Binata na pala ito.

Kinabahan si Jarred ng paglingon nya sa pwesto ni Ellaina ay wala na ito.

Ellaina?






_______^^^^______

"Ellaina sama ka sakin may ibibigay ako sayong gift" nakangiting nilapitan ni Danica si Ellaina na mukang prinsesa sa suot na gown.

"Mamaya nalang Danica baka hanapin ako ni Daddy. " tanggi ng bata.

"Nandon din si Traviz, may ibibigay din daw sayo! "

Nagliwanag ang mata ni Ellaina kaya sumama sya sa dalagita. Nasulyapan pa nya si jarred na may tinitingnan. Ipinagkibit balikat nalang yon ni Ellaina.

"Danica asan na si Traviz? Saka yun gift na sinasabi mo?" Kumunot ang noo ni Ellaina ng walang makitang tao don sa dulo ng guess room sa itaas ng mansyon.

Pero laking gulat nya ng bigla syang itulak ng babae sa loob kaya napasubsob sya sa semento .

"Happy birthday Ellaina, " sabi nito bago isinara ang pinto.

Mabilis na tumayo si Ellaina at lumapit sa pinto ngunit natuklasan nyang nakasara yon sa labas.

"D-danica... " tawag nya sa babae.

Nakaramdam ng panic si Ellaina kaya kumatok sya ng kumatok sa pinto ng guest room.

"Danica buksan mo to! " she begun to cry.. Iginala nya ang tingin sa silid at natakot si Ellaina .

Napatili ang bata ng biglang makarinig ng magkakasunod na pagsabog. At kitang kita nya sa labas ng bintanang kinaroroonan nya ang biglang pagkalat ng apoy sa paligid ng mansyon.

"Danica..... Danica help.. " palahaw ni Ellaina walang tigil sa pagbayo sa pintuan.

"Ellaina! "

Narinig nya ang boses ni Traviz kaya sumigaw sya ng malakas.

"Traviz help me... "

"Ellaina, wait ilalabas kita dyan! " boses ni Traviz sa labas ng pinto.

Nakita nyang gumalaw ang door knob. Pero hindi yon nabuksan.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon