Chapter - 13 ( The Abduction of Imarie )

1.7K 142 41
                                    

THE ABDUCTION OF IMARIE....




Nikki's POV. ...

Nagising ako sa isang masamang bangungot. Napanaginipan kong sumisigaw at humihingi ng tulong sakin si Imarie. Kaya napabalikwas ako ng bangon at pawisang ibinaling ang paningin sa tabi ng kaibigan na mahimbing parin ang tulog.

Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang at panaginip lang yon. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaibigan .

Tiningnan ko ang oras. Alas singko na yon ng umaga kaya nagdesisyon na akong bumangon. Naligo ako para maghanda sa pagpasok. Pagkalabas ko ng banyo ay gising na si Imarie. Sinabi kong sabay na kaming umalis ng dorm. Tumango naman ito.

Habang nagka-klase ay iniisip ko parin ang masamang panaginip ko kagabi. Lagi akong napapasulyap kay Imarie at tila gusto ko syang bantayan lagi.

"Bff hindi ako sasabay sa inyong kumain mamaya!" Sabi nito na ikinakunot ko ng noo.

"B-bakit? "

"Eh may date kase kami ni Seb, kakain kami sa labas. " kinikilig nyang sabi sakin.

"Napapadalas naman yata ang paglabas nyo.. Pwede naman sa canteen nalang kayo kumain" sabi ko dahil sa pagaalala sa napanaginipan ko.

"Ayaw ko don eh daming mata. " aniya saka bumulong sakin.  "Sinagot kona kase si Seb kahapon.. Kami na!! " tili nito.

"Ha? " nabigla ako sa narinig. Diko alam na nanliligaw na pala si Seb sa kanya.

"Oo bff, busy ka kase kay Jarred " nakanguso pang sabi nya.

"Nagtatampo kaba ?" Pananantiya kong tanong.

"Hindi no.. Sinasabi ko lang ang totoo bff..." Ngiti nya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Kaya ng sumapit ang lunch break ay wala si Imarie. Wala din sa canteen ang black knight ..baka mamaya pa ang mga ito. Lagi kaseng may meeting ang mga yon na diko naman maintindihan ang pinaguusapan.

Nang matapos kaming kumain  ay naupo muna ako sa bench at magisang nagbasa-basa habang pinapalipas ang pagka-inip. 30 minutes pa bago magsimula ang sunod na klase. Hihintayin ko nalang don si Imarie.

Pero nilapitan ako ni Traviz. Naupo sya sa tabi ko.

"Ellaina musta kana? " sabi nya.

"O-okey lang ako Traviz" sabi ko.

"Pwede ba tayong magusap? "

Tumango ako kaya sabay kaming pumunta sa di mataong parte ng harap ng campus building.


Pinili namin sa parke malapit sa malalaking puno. Don kami naupong dalawa. Kokonti lang ang estudyante don kaya makakapagusap kami ng ayos.

"A-anong paguusapan natin Traviz? " tanong ko sa binata.

"Ellaina gusto ko lang kaseng sabihin sayo na alam kona kung sino ang nasa likod ng nangyari sayo 8 years ago! "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now