Chapter - 10 ( I Can't )

1.8K 153 55
                                    

I CAN'T.....

Azzer's POV...

Nakahinga ako ng maluwag ng makatakas sa roof top kung saan nagpa practice ang mga kasamahan ko ng paggigitara at pagkanta. Mamaya na kami manghaharana kay Nikki pero wala pa kaming nakakabisang nota. Kailangan kong maghanap ng marunong maggitara. Kahit yon manlang dahil ayokong pagtawanan mamaya pag narinig ng lahat ang boses palakang pagkanta namin at ang sintunadong paggigitara.

Dibdiban ang pageensayo nila Angelo.. Kaya lumabas muna ako ..natanawan kopa sila Nikki at Imarie na tila pabalik na ng dorm. Napa simangot ako ng dumako ang tingin ko kay Nikki. Itong babaeng to ang may kasalanan kaya naghihirap kami ngayon. Kung sana ay di nya binabaliwala ang leader namin wala sanang harana ang magaganap mamaya. Tsk..

Sakto naman na nakita ko si Raiko na magisang naglalakad. Tinawag ko ito.

"Pssst.. Bansot"

"Tangina mo Azzerdon, bakit ba? " galit na tanong nito ng lumapit sakin.

"May itatanong lang,"sabi ko na inakbayan sya.

"Ano? "

"May kilala kabang marunong kumanta at maggitara? " tanong ko kay Raiko. Saka ito ngumisi.

"Si Traviz " sagot nito pero binatukan ko sya. Hindi pwede ang lalaking yon.

"Gago ka, wala bang iba? "

"Magaling yon eh, tatanong ka tapos mananakit ka pag sinagot." Nakasimangot na sabi nito.

Sinabi ko sa kanya ang plano ni Jarred. Nanlaki ang mata nito sa pagkagulat.

"Wow talaga... Parang maganda yan plano nyo.. Lakas makasagot ng girl yan! " sabi ni Raiko.

"Ya, kaya kailangan ko ng marunong kumanta o kahit mag play manlang ng guitar para di kami mapahiya "

"Wala na akong ibang alam eh, si Traviz o Seb lang. Pero imposibleng pumayag ang mga yon. "

"Hmmm ikaw ba? " biglang tanong ko. Umiwas sya ng tingin.

"Naku wala akong alam sa ganyan! "

"Bansot gusto mong sabihin ko kay Jarred na tinanggihan mo syang tulungan? " pananakot ko. Alam kong may alam ito at nagsisinungaling lang.

"Azzer ayoko.. Nakakahiya. " aniya pero hinila ko na sya paakyat.

Pagdating namin sa roof top ay naabutan naming seryosong nakikinig sa headphone nya si Angelo. Si Chad naman at ang iba ay kanya kanyang hawak sa electric guitar na akala moy marurunong. Nak ng teteng.... Mas bagay sa mga ito ang humawak ng baril.

"Asan si Boss? " tanong ko.

Sumenyas si Chad at itinuro si Jarred na puspusan ang paggigitara sa isang tabi. Inis na napabuntong hininga ako.seryoso talaga si Jarred. Wala ng atrasan to.. Alas kwatro na.. Mamaya lang ay didilim na at yon ang oras na plano namin.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now