Chapter - 16 ( Black knight's Gossip )

1.8K 173 61
                                    

BLACK KNIGHT'S GOSSIP......

Eleazar's POV..

Nagpupuyos ang damdamin ko sa mga nalaman mula kay Traviz.. May relasyon ang anak na si Ellaina sa anak ng Julio na yon? At tama ba ang sinabi pa ng anak ni Miguel?  Si Jarred ang nagligtas sa anak ko at itinago ito para protektahan?? Protektahan nga ba??  O isa itong agenda? Tiyak na may plano si Julio sa anak ko.

Napatiim bagang ako habang malalim na nagiisip.. Sa laban namin ni Julio ay ako ang panalo, naagaw ko sa kanya ang asawang si georgia at anak na si Danica. Pero pag nagkagitgitan na ay alam kong ako ang dehado sa laban namin kung sakali. Bukod sa mahal ko ang ina nila Jarred ay napalapit na rin sakin si Danica.

Hindi maaring magmahalan sila Ellaina at Jarred. Masisira lang ang matagal ko ng plano.

Jarred....

He need to stay away from Ellaina.. Hindi ko matatanggap na anak ni Julio ang makatuluyan ng anak. Malapit na ang 18 kaarawan ni Ellaina. Gusto kong pag dumating yon ay walang maging problema.

Pero naliligalig parin ako ..dahil sa paglilihim sakin ng anak tungkol sa pagbabalik ng memories nito.

Ellaina.. What are you thinking my Princess..?

Nikki's POV....

Balisa pa rin ako sa pagkawala ni Imarie. Ilang araw na itong di bumabalik... Ang sabi ni Jarred maghintay lang daw ako.. Pero paano? Kaarawan kona sa isang linggo at gusto ko ay naroon sya at kasama ko. She was my bestfriend. Mula ng mapunta ako kina mama at papa ay walang okasyon sa buhay ko ang sinelebrate ko nang hindi sya kasama. Ultimong first menstration ko ay ito ang unang nakaalam dahil nasa school kami non..hanggang magaral na nga kami dito ay kami parin ang magkasama.

Malungkot akong naglakad magisa patungong roof top. Nakasalubong ko pa si Ayesha at Trina pero di ko sila pinansin. They are not my friends anymore.. Mahirap ng ibalik ang tiwala ko once na nawala yon.

Papasok na sana ako sa roof top nang biglang matigilan. Narinig ko kaseng naguusap ang mga myembro ng black knight.. Kaya lihim kong pinakinggan yon.

"I understand you Angelo, maging ako nga asar na asar narin minsan kay Nikki eh.. " boses ni Chad yon. Natigilan ako ng marinig na ako ang topic nila.

"Naiintindihan ko naman sya na may pinagdadaanan sya, ang akin lang wag naman nyang ipahiya satin si master Jarred.. " ani Angelo.

"Tama.. Iginagalang natin yun tao tapos kung masuntok-suntok nya at masigawan! " boses ng isa na diko matandaan ang pangalan.

Akalain mong may tinatago palang katsismosohan ang mga black knight. Mas okey pa ang hunting eagles. Kahit madadaldal sila ay mababait naman yon sakin at di plastic.

Hmm.. Asan kaya si Jarred..? Ipinagpatuloy ko ang lihim na pakikinig.

"Pag nalaman nya na para sa kanya tong ginagawa nating paghahanda, baka bumait yon kay boss! "

Natigilan ako sa tinig ni Chad. Kumunot ang noo ko sa narinig.

"Hinaan mo ang boses mo, baka may ibang makarinig, yari tayo!! " sabi ni Azzerson. Naron din pala ang lalaki.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now