Chapter - 26 ( Jacob Licerio )

1.7K 156 41
                                    

JACOB LICERIO.....





Jacob's POV...

Kahit saang bahagi ng mukha ni Ellaina ay nakikita ko si Samantha.. They're like twin ..kaya pala nung una kong makita non si Ellaina ay nasabi kong kamukang -kamukha nya si Samantha. Yun pala ay ito ang nawawala nyang anak. Ang galaw at paghawak ng sandata ay pareho din.. Ang pinagkaiba lang siguro nila ay kulay ng balat at buhok. Pero parehong maganda.....

Napabuntong hininga ako. .10 years old ako nung makilala ko si Samantha. Dinukot ako ng organisasyong kinabibilangan nya mula sa bahay ampunan at dinala sa kampo.. Takot na takot ako nong una ..marami kami don mga kabataang sinasanay makipaglaban.. I almost died long time ago but i met  Samantha. Sya ang tumulong sakin na malampasan ang hirap sa kampo na yon.itinuring nya akong nakababatang kapatid. Then i found out na isa sya sa pinakamagaling na assassin na binansagang Queen of archery.. I saw how good she was in holding an archer. Akala ko non ay single at di nalalayo sakin ang edad nya dahil napakaganda ng babae. pero nung makalabas na ako ng kampo ay nalaman kong may asawa at anak na pala sya. Na hindi lang sya basta assassin... Na napakayaman nya... Madalas ako sa hacienda nila non. Bata pa si Ellaina at madalas nyang iwan dahil sa misyon.

"Gusto ko na sanang umalis sa samahan dahil sa anak ko, pero alam kong hindi naman yun pwede! " malungkot na sabi nya non sakin.

"Kung talagang gusto mo pwede naman kitang tulungan.. Hindi ka naman siguro nila papatayin. Ilang taon ka ding naglingkod sa kanila.. Isa pa andyan naman na si Miranda..may papalit na sayo! "

"Salamat Jacob, pero hindi yon ganon kadali.. Ayokong ilagay sa panganib ang mag ama ko.. "

"Alam ba ni Eleazar ang.... Trabaho mo? " naisipan kong itanong.

"H-hindi.... At hindi nya malalaman.. "

Labing lima na ako ng maintindihan ko ang organisasyon na yon.hindi pala pwedeng umalis don ng walang kapalit na kasing galing mo..

"Samantha anong nangyari? "

Isang araw ay nakipagkita sakin ang babae sa tagong lugar.

"Jacob nalaman ni Mr. Smith na nasa akin ang kopya ng disc... Hindi nya pwedeng makuha yon.. Tulungan mo akong itago yun.. "

"Ha? Pero Saan naman natin yon itatago? "

"Sa lugar na di nila makikita..sa ngayon ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko.. Tulungan mo akong magisip ng paraan.. "

Ilang araw akong nagisip kung paano matutulungan si Samantha. At isa lang ang paraan na naisip ko.

"Ano? Kay Ellaina? Hindi pwede.. Hindi ako papayag na madamay ang anak ko, Jacob magisip ka ng ibang paraan. "

"Yun lang ang paraan Sam, wala na tayong oras. Pano kapag napatay nila tayo?  Sino ang maglalabas ng mga katiwalian ng organisasyong yon? Damay na ako sa problema mo dahil tinulungan kita. "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now