Chapter - 04 ( SAD FIRST KISS)

1.9K 144 44
                                    

SAD FIRST KISSED..




______^^^_______


"M-master J-jarred?"

Pagkagulat ang lumarawan sa mukha ng isang tauhan ng makilala ang binatilyong dumating sakay ng isang motor, hindi sya umimik at dire-diretso  sa loob ng malaking bahay ni Julio Evañez.

"Son? What are you doing here?" Nabiglang tanong ni Julio nang makita ang anak sa kaharian nya.

"Dad.. "

Kumunot ang noo ni Julio ng biglang lumuhod ang anak sa harap nya. Nung huling magkausap sila ay nung maghiwalay sila ng asawang si Georgia. Hindi nya pinigilan ang asawa na dalhin ang mga anak nila pero iginiit nyang kailangang madalaw sya ni Jarred lagi bilang anak na lalaki ay inihahanda nya ito sa posisyong kinalalagyan nya pero matigas noon si Jarred at tumangging makita sya ,naiintindihan ni Julio na nagdaramdam ang anak sa pagkasira ng pamilya nila at dahil yon sa kanya.

Kaya anong dahilan para puntahan sya ng anak ?malayo ang mansyon nya sa hacienda Mondejar kaya bakit ito naroon na magisa??? At ngayon ay nakaluhod pa ito.

"J-jarred tumayo ka dyan...yan ang wag na wag mong gagawin kahit na kanino, ang lumuhod! You are a Evañez, "

"Dad, "

Muling nagtaka si julio ng manatiling nakaluhod ang anak.

"A-anong problema? "

"Dad gusto kong malaman. ...kung bakit nila gustong patayin si.. Ellaina! " malungkot na tanong ni Jarred.

"E-ellaina? Who's that? "

"Ellaina Mondejar dad, anak ni Eleazar. ..dad nakita ko ang files ni mommy at nabasa ko ang profile ni Ellaina. .i dont understand. ." Naguguluhang sabi ng binatilyo.

Natahimik si Julio. Hindi lingid kay Jarred ang trabaho ng mga magulang. Hindi tuloy alam ng lalaki kung paano magsisinungaling sa anak dahil tiyak na malalaman din naman yon ni Jarred. He trained him to be that person. Lahat ng pwedeng ituro sa bata ay ginawa nya ng naaayon sa edad nito para maihanda ang anak sa pagdating ng tamang oras.

Basic palang ang naiituro ni Julio kay Jarred tulad ng kung paano maging mapagmatyag sa kalaban, yung pagbasa ng nilalaman ng utak ng kalaban. Mga ganong bagay lang. At kung paano maging blangko. Maging malamig .kapag napagtagumpayan yon ng anak ay tiyak na madali na ang mga kasunod. Sa klase ng mundong ginagalawan nila ay kailangan mong maging matigas kahit sa sarili mong anak, asawa o kapamilya. Hindi dapat mahina ang puso dahil yon ang maaring maging dahilan ng pagkatalo.

"Dad. Tell me please. .alam kong alam mo"

Napabuntong hininga si Julio. Hindi tiyak kung dapat bang sabihin pero dina inosente si Jarred sa ganong bagay. Sa edad na pito he already saw a man killed. Pinakita nya yon sa anak kahit takot na takot ang bata to trained his heart. Kailangan nitong masanay sa ganon dahil darating ang araw na kailangan din nitong pumatay .pero matindi ang pagtanggi ni jArred sa kanya. Ayaw nitong tanggapin ang kapalarang naghihintay dito. Pinagbigyan lang nya ito dahil bata pa si Jarred pero ngayon ay sapat na ang edad nito para matuto. At umaasa syang di na tatanggi ang anak.

"Son. ...That girl. She must die"

"But why? She's just a girl ..bakit kailangan nyang madamay don? " naguguluhang tanong ni Jarred.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz