Chapter - 14 ( Frozen Blood )

1.8K 143 45
                                    

FROZEN BLOOD....

NIKKI'S POV....

SINONG BOSS?

Naguluhan ako sa sinabi ng mga lalaki sa loob ng helicopter na syang may hawak kay Imarie. Pero saglit lang yon nang maisip kong pataas na ng pataas ang helicopter. Hinawakan ko ang damit ng isang lalaki.

"Ellaina!! "

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko si Jarred kasama si Azzer at Seb. Nanlalaki ang mata ng huli ng makita akong nakahawak sa may pinto ng helicopter na bukas. Kasing taas na ang layo  non sa lupa ng isang mataas na puno.

Pero dagli ko ring binalikan ng tingin ang mga lalaki. Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan sila. Sinubukan akong sipain ng isa na muntik ko ng ikabitaw.

"Ellaina No.. Stop that.... "

Mula sa baba ay malakas na sabi ni Jarred. di ko sya nilingon. Ang tanging nasa isip ko ay makuha ang kaibigan. Pero bigla akong tinutukan ng baril ng isa. Kaya mabilis kong hinawakan ang damit ng tangan kong lalaki at hinila yon para malaglag sa ibaba.

The other guy shoot me pero nakaiwas ako at saka tumalon. Pinaulanan nila ako ng bala ng baril pero agad akong nagpagulong -gulong sa damuhan. Hindi nagawang magpaputok nila Jarred dahil kay Imarie na naroon. I gasped for air.. Tuluyan nang nakaalis ang sinasakyang helicopter ng mga ito.

I was so angry. .nanlilisik ang mata ko nang tingnan ang pagtaas ng helicopter.

"Imarie!!!!! " i shouted till my heart content.

I saw Jarred na tumatakbo palapit sakin pero nabaling ang mata ko sa lalaking inihulog ko mula sa helicopter. Nakabulagta ito sa damuhan at hirap gumalaw.

Mabilis akong nakalapit sa lalaki at inalis ang bonnet nito sa mukha.

"Saan nila dadalhin si Imarie ha? "  i asked habang hawak ang leeg ng lalaki...

"Ellaina, stop it! " saway sakin ng nakalapit na si Jarred. Kasunod si Azzer at Sebastian na naguguluhan at nabibigla sa nakita at nagaalala sa nobyang kinuha ng mga di kilalang lalaki.

Hindi ko pinakinggan si Jarred. Diniinan ko ang pagkakasakal sa lalaki at halos mamuti ang mata nito.

"Sumagot ka!sino ang nagutos sa inyo na kunin si Imarie?" galit kong tanong.

"H-hindi ko alam... Basta lang kami inutusan na kunin sya... " takot na sabi nito.

"San nyo sya dadalhin? " muli kong tanong. Nangangati ang kamay ko at nais na patayin ang hawak na lalaki.

"Ang alam ko ay sa isang isla sya dadalhin.. Pero diko alam kung saan yon"

Nag ngalit ang bagang ko. Ibinalibag ko ang lalaki at tumama ang katawan nito sa lupa. Kumuha ako ng isang tuyong sanga at tangka yung itarak sa lalaki pero pinigilan ako ni Jarred.

"E-ellaina stop.. Please stop it! " sabi ni jarred at niyakap ako mula sa likod habang pinipigilan ako sa balak gawin.

Tila ako nagising sa isang panaginip. Naguluhan ako bigla sa nangyari. Pumatak ang luha ko ng sunod-sunod saka tiningnan ang mga kamay ko.

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon