Chapter - 12 ( Azzer's Face )

1.7K 144 43
                                    

AZZER'S FACE....








Nikki's POV...

"Jarred ,gusto kong maintindihan ang lahat ng nangyari noon, alam ko may alam ka kaya itinago mo ako.. " sabi ko sa binata makalipas ng ilang saglit na katahimikan.

Bumuntong hininga siya at iniiwas ang tingin sa akin.

"Ellaina, ang alam ko lang ay may gustong pumatay sayo, yun lang"

Pakiramdam ko ay higit pa don ang alam ni jarred pero hindi ko na sya kinulit pa. Inenjoy ko nalang ang tanawin don.

"Sino nang nakapunta dito? Diko kase alam na meron ganito sa gitna ng gubat " tanong ko pa sa binata.

"Walang nakakaalam ng bahay na to, ikaw lang at ako saka si Azzer. "

Nagtataka man ay hindi na ako muling nagkomento.







Nang araw ding yon ay pinuntahan ko si daddy sa bahay nila Jarred. Doon na pala ulit ito nakatira. Pero sinabi ng katulong na wala pa ito kaya nagdesisyon akong hintayin nalang sya. Sakto naman naabutan ako ni tita Georgia. Bakas ang gulat sa mukha nya pagkakita sakin. Ako man ay nabigla at diko alam kung paano haharapin ang babaeng to matapos ng ginawa nya sakin 8 years ago.

Alam kong mahal sya ng daddy ko kaya nananatili akong tahimik. Isa pa ayoko munang malaman ng lahat na nakakaalala na ako.

"Ellaina andito ka pala.. Wala pa si Eleazar " sabi nitong nakangiti pero alam kong kaplastican yon.

"Hinihintay kopo sya tita... " sabi ko kahit nasusuklam ako sa babaeng to ay nagawa ko paring syang ngitian.

Pero ang ngiting yon ay agad nawala ng tingnan nya ako ng seryoso.

"Cut the drama thing Ellaina" sabi ni Tita Georgia. " alam kong naaalala mo ang lahat. Pati ang pagtulak ko sayo sa bangin, pero pinili mong magpanggap sa daddy mo na wala ka paring naaalala"

Saglit lang akong natigilan. Pagkuway ngumisi ako sa kanya. Alam naman pala nya eh, anu pang silbi na magpanggap akong mabait sa kanya.

"Bravo Georgia.. Ang galing mo! " sabi kong tuwid na nakatingin sa kanya. Kitang - kita ko ang pagkagulat sa mukha nya.

"Anong pinaplano mo Ellaina ha? Alam mo bang kapag nalaman ng lahat na nakakaalala kana ay papatayin ka nila? "

Matalim ang matang tiningnan ko lang sya. Saka hinablot ang braso.

"Paano mo nagawa sakin yon? Paano mo ako nagawang itulak sa bangin ha? " napopoot kong tanong.

Kumawala sya sa pagkakahawak ko.

"Dapat nga'y magpasalamat kapa sakin dahil binuhay pa kita!! "

Darkest Love - Book 2  ( Reborn Of The Queen )Where stories live. Discover now