Chapter 3

3.6K 111 0
                                    


**Phoebe POV

"Bye mom". Paalam ko kay mommy sabay kiss sa cheeks. First day of school ngayon at bagong school na na naman iyong papasukan ko dahil ayoko sa School ko last year napaka boring ng mga tao don.

" Umuwi ka ng maaga baka ngayon darating iyong mga kuya mo". Ngiting wika ng kanyang ina sa kanya habang ipinapasok ang pagkain niya sa kanyang bag. Napangiwi nalamang siya sa kanyang nakikita. Her mom is so much sweet na kahit 18 na siya ay parang isang munting anghel pa siya sa paningin ng kanyang ina. Na eexcite siya ng maisip na uuwi iyong mga kuya niya galing Europe. May apat siyang kuya na nasa ibang bansa at doon narin nag aaral sa puder ng kanyang Grama and Grapa at kung tatanungin niyo kung bakit ayaw nya don ay dahil na se stress siya sa katalinuhan ng kanyang mga kapatid. Her kuya Zendrick 25 Years old, the scientist on their Family. He got along way of study na kahit tinuturuan siya ng kanyang kuya about gravity or sa whatever na nagyayari sa mundo ay wala kahit isang pumapasok sa isip niya it is too much to her brain na kahit mga ugat nito ay hindi gustong gumana. Her kuya Rhafael 23 years old, The Engineer on their Family ang isa sa mga taong tumutulong sa kanya about Math. She hate so much Math hindi niya alam kung sinong mabait na tao ang nag embento nang X and Y na nakakasakit ng ulo. Next is yung kuya niyang magpapatuloy sa kumpanya her kuya Micko, the business man, napaka seryosong tao na hindi pa nakaka jowa dahil sa kanyang trabaho . Napaka responsableng anak kasi inuuna niya ang kompanya bago ang sarili niya. Ang lastly her twin Prince Patrick ang walang kwenta niyang kapatid na pambabae ang inaatupag kaysa magseryoso. Pero mahal niya iyon dahil ramdam niya kung paano siya pinoprotektahan nito.

"Ngayon napala uuwi sila kuya " Masayang turan niya sa sarili.

Parang timang si Phoebe na pangingiti at pakanta kanta pagbaba niya sa sasakyan. Hindi na nga siya nakapagpaalam kay Manong Arnold ang kanilang driver dahil sa ka timangan niya. Parang sinapian ng limang espiritu si Phoebe dahil sa napaka masiyahin nito ngayong araw. Sa sobrang aktibo ni Phoebe ay hindi niya nakita na may paparating na mag kakagrupo na babae sa kanyang harapan kung kaya nabangga niya ang isa sa mga ito. Kung minamalas nga naman kasi iyong Campus Bitch pa ang natulak niya.

" Oh my shit huhu my beautiful dress" . Maarteng wika ng babae na hindi naman kagandahan .

" Oh my God Amanda"
"Are you okay Sis? " Pag aalalang wika ng iba pang mukhang unggoy na kasama ng babaeng naitulak niya sa may putik.

"YOU! how dare you to push me you bitch!" Galit na bulyaw ni Amanda kay Phoebe na ngayong nakataas ang kilay.

" Excuse me miss, it is not my fault anyway. Kung hindi ka lang tatanga tanga hindi kita mababangga. Sino ba ngaba ang nagsabi na maglakad ka na nakatalikod?" Inis na turan ko sa babae na ngayoy namumula na sa galit.

" What! Ahh you gonna pay this!" Mapanghamon na wika ng babae sa kanya. Akala naman niyang matatakot ako sa kanya.

" kung wala kanang sasabihin aalis na ako" Walang kwenta kung sabi sa kanila.

Ano bang klaseng paaralan ito. Ngayon lang ba sila nakakakita ng babaeng maganda. Kung makatingin sila sa akin parang pinapatay na nila ako. Nakakabwiset talagang babaeng mukhang unggoy na ito ahh kung maka hawak sa bewang niya para bang kinaganda niya eh pasalamat siya nakahalik siya sa putik eh mas malinis pa nga yata sa kanya iyon eh. Nang makita niyang papalapit ang palad ng babae sa mukha niya ay parang nag slow motion ang lahat ng hawakan ng Prince charming niya ang kamay ng unggoy. Prince nga ba eh parang pinag lihi ng ampalaya ang mukha ng lalaki dahil sa napaka seryoso nito at hindi manlang siya dinapuan ng tingin. Ang we weird ng mga tao dito hindi alam sabihin ng maganda charoot.

" Stop it Amanda" Makabuluhang wika ni AB short for Ampalaya Boy hehe kay Amanda.

"Shyun " nahihiyang sambit ng unggoy sa lalaki. Yakk kung makatingin itong babaeng ito nakakadiri.

Hindi ko keri manood ng love story nila no nakakasuka yata.

" Excuse me kuya, girlfriend mo iyan? Kung oo mabuti at nandito kana alam mo bang sinira ng babaeng yan yung araw ko!" Inis na bulyaw ko Kay AB. Na ngayoy nakataas ang kilay at nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa niya at seryosong nakatingin sa akin.

" Ayy oo nga pala kuya, wag mo ngang pinapakawalan iyang aso mo nang hindi sumusulpot sa kung saan saan at nang hindi maka bangga ng dyosa.

Mataray kong wika sa lalaki sabay alis. Nakita ko pa kung paano ngumiti ang lalaki at paano sumigaw ang unggoy pag alis ko. One point for phoebe.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now