Chapter 86

1.8K 52 1
                                    

Shyun

" Shyun,  hindi ko kayang nakatanga rito. " naiiyak na wika ni Phoebe.

Hinawakan ko ang mukha nito at tumango.  Magkahawak ang aming mga kamay habang tinatahak namin ang madilim at nakakatakot na bundok.  Nang makarating kami sa isang magarang bahay,  nakatingin ako sa mga kuya ni Phoebe.  Nakikipaglaban ito sa mga tauhan ni Cheska. Napag desisyon namin na Sa likod kami dumaan upang hindi kami ki agad mapansin. Maswerte nga dahil walang nakaabang na kahit isang tauhan,  agad kaming nakapasok sa silid ng mga ito.  Ilang ulit naming binubuksan ang bawat silid hanggang sa mabuksan namin ang kinalalagyan ng kambal. 

Halos hindi ako makahinga ng mapagtanto kong natutulog ang kambal na parang walang ka alam alam sa nangyari. Agad lumapit si Phoebe at yinakap ang dawala.  Nagising din naman ang mga ito.

"Memy? " masayang wika ni Lythanie.

Hinalikan ni Phoebe ang mga ulo ng mga ito.  Natahimik kami ng mapagtanto naming may tao sa banyo. Ikinagulat ko pa ang pagbukas ng pintoan at ang paglabas ni Cheska na hubot hubad. Nakatingin ang aking mga mata kay cheska ngunit focus nito ang mag ina ko.  Tinakpan ni Phoebe ang mga mata ng dalawa, buti nalang hindi napansin ni Cheska si Phoebe.

" Sabi na ngaba,  pupuntahan mo kami. " nakikita ko sa mga mata nito ang saya.

Ngumiti ako,  ngiting mapanglinlang at unti unting yinakap ito.  Ramdam ko ang mga pribato nitong katawang na tumama sa aking damit ngunit kahit kunting init wala akong maramdaman. Tumingin ako kay Phoebe,  inabot nito ang isang posas.  Agad kong nahulaan ko ang gusto nitong gawin,  hindi kahirap hirap ang paghuli ng daga lalot tanga ito.

" Shyun? " Tumingin ito sa kanyang kamay na nakaposas at tumingin sa akin na nagtataka.

Ngumiti ako at itinuro ang kinalalagyan ng kambal. Nagulat ang mga mata nito, alam kong may gagawin ito at hindi kona hahayaang may mangyari pa sa pamilya ko.  Kinuha ko ang isag vase at agad pinukpok sa ulo nito na dahilan ng pagkatumba at pagkawalan ng malay.

Agad kong tinawagan si Rafhael upang sabihin na nasa loob kami ng bahay.  Nagalit ito dahil baka daw mapano si Phoebe. Hinayaan naming nakahiga si Cheska sa sahig at iniwan ito.  Tumitingin tingin ako sa paligid at baka mapano ba ang mag ina.  Nang makalabas kami sa bahay,  lakad takbo ang ginawa namin makalayo lang sa bahay na iyon. Sinalubong din naman kami agad ni Rafhael.

" Umalis na kayo Shyun." mapag alalang wika nito.  Hinawakan pa nito ang kambal bago bumalik sa kinalalagyan pa ng mga kapatid nito. 

Tumatakbo kami ni Phoebe,  karga karga nito si Lythanie habang karga ko naman si Lythan.  Piniringan ko ang mga mata ng mga ito upang hindi nila makita ang madilim na gubat.

BOGSSSS!!

"ayyy!  "

Napatingin ako kay Phoebe,  halatang natatakot na ito.  Hinawakan ko ang kamay nito at pinagpatuloy ang pagtakbo. Nang mapagtanto kong malapit na kami,  nagkaroon ako ng pag-asang makakauwi kami ng ligtas..

" Hindi kayo makakalayo. "

Napalingon kami sa likod. Its Cheska,  may hawak hawak itong baril ngunit nakahubad parin.

" Come on,  Phoebe. "

Mas binilisan namin ang pagtakbo ngunit malas nga naman ng ipinutok ni Cheska ang baril sa amin buti na lamang hindi natamaan si Phoebe o ang kambal.

" Magtago mona tayo dito sa puno. "

Humingal si Phoebe,  ang kambal nakapiring parin pero alam kung natatakot ang mga ito.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon