49

1.7K 61 0
                                    

Kabanata 49

" Bakla may isusuot ka naba?" Tanong ni Micholo sa akin habang kumakain ng pizza.    Nandito kami ngayon sa bahay ni Micholo. Walang pasok kaya naisip naming mag bonding mo na.   Umiling ako rito at ipinagpatuloy ang pag scroll sa facebook. Ilang araw narin mula nng huling nakapag update ako. 

" Phoebe dito kaba matutulog?  Overnight tayo please. " Malambing na wika ni Clarice sa akin.

   Tumingin ako rito habang nakahiga sa kama at yakap yakap ang unan ni Micholo, parang bata.

   " Ipagpapaalam ko mona ito kay Shyun." Wika ko rito.  

Napansin kong huminto ang mga ito at nagtitigan sa isat isa.  Mga baliw!

  " Ayiehh iba na iyan bakla". Panunuksong wika ni Micholo sa akin habang pinipindot pa ang aking paa. 

" I love you my king. Ikaw lang sapat na, mhuaw. " Pagdradramang wika naman ni Clarice. 

Inirapan ko na lamang ang mga ito at hinanap ang number ni Shyun.

   " Phoebe, pag nag ka anak kayo dapat babae huh then bigay niyo sa akin." Inosenteng wika ni Rochelle.  

Natahimik kaming tatlo at walang atubiling sinapak ito.  Napaka weird minsan.

" Phoebe tawagan mona iyong mister mo. " Wika ni Clarice sa akin. 

Tumango rin naman ako rito at hinanap ang numero ni shyun.   Mga ilang ulit ang pagtunog ng kanyang cellphone ngunit hindi ito sinasagot.

  " Ano Phoebe?" Excited na tanong ni Rochelle.

   " Ayaw sagutin. " Malungkot kong wika.  

Sumimangot rin ang mga ito.   Maya maya bigla na lamang nag ring ang aking cellphone.    Agad ko din namang sinagot ito.

  " Hello. "

  " Phoebe. " wika ng nasa kabilang linya. 

" Shyun?"

" Ba't ka tumawag,  may problema ba? " Tanong nasa kabilang linya. 

Ngayong alam ko nang si Shyun ito.

  "Eh kasi,  sasabihin ko sana sayo na dito mona ako matutulog kina Micholo. " Wika ko rito. 

Narinig ko namang nagbuntong hininga ito.  Bago sumagot." Okay,." Tipid nitong sagot.  

" Are you okay? " nag aalalang tanong ko,  tila may problema ito. 

" Pagod lang Phoebe." Mahina nitong wika.

  " Okay,  magpahinga kana. " Huling wika ko,  narinig ko namang sumagot ito bago nawala sa linya.

  " Nakss!  Level up na baklaa. " Kinikikig na wika ni Micholo sa akin.

  " Baliw " Tugon ko rito. 

Nagkwentuhan lang kaming apat.  Wala lang, miss na miss namin ang isa't isa.  Nang mapagod kami, humiga lang kami sa kama habang busy sa paggamit ng aming mga cellphone.  

" Oh my God!"   Napatingin kami kay Clarice habang nakatitig sa kanyang cp.

  " Ito naman kung maka sigaw hanep! " Inis na wika ni Micholo.

  " Phoebe. " Nakatingin ito sa akin na parang pinaghalong gulat at takot. 

" What the hell Clarice, problema mo? " Mataray na wika ni Micholo rito..

  " Clarice may problema ba? " Takang tanong ko rito. 

" Phoebe, She's back. "
**

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon