77

1.5K 20 1
                                    

Kabanata 77
*Shyun POV

Nagising ako ng maramdaman kong may humihimas sa aking mukha.  Dinilat ko ang aking mga mata,  pamilyar ang mga tao na nakatayo sa aking harapan.

"Mom. " mahina kong sambit ng maanigan ko ang mukha ni mommy.  May nararamdaman akong kirot ng mapansin kong bandages sa aking kamay.

" Anong nararamdaman mo anak? " si dad.

"masakit iyong kamay ko. "

Napansin ko nag pagtulo ng luha ni mom." Why did you do that? 

Napapikit ako. " It is my fault mom."

Hinawakan nito ang isa kong kamay. " We decided na uuwi na tayo sa Pilipinas, forget everything Shyun. "

Nagulat ako. "Mom,  hindi ako aalis hanggat hindi ko kasama si Phoebe. "

Umiiling si mom. "Anak,  tama na, Phoebe needs space right now. "

Natahimik ako.

"Anak, if the right time would come,  we promise babawiin natin si Phoebe. " mahinang wika ni mom.

Napaluha ako. Wala na akong magagawa, sa ngayon sa plano nila mommy na ako susunod.

" By the way, where's Cheska? " Tanong ko kay mommy ng mapansin kong wala ito.

Nagtinginan ang mga ito. " We don't know,  umalis siya kanina pagkatapos naming sabihin na kukunin ka namin.,"

Napahinto ako. Alam kong baliw iyon. " Mom,  hindi na siya Cheska,  nababaliw na ang babaeng iyon. Sa ngayon alam kung gagawa siya ng mga bagay na hindi nating inaasahan. "

Nakita ko ang pagkagulat nila mommy.

" Anong gagawin natin anak? " si dad.

Bumangon ako at nagpunta sa bintana. Sinilip ang labas ng bahay ng may mapansin akong mga Hindi pamilyar na sasakyan. Tama ang hinala ko,  hindi ito papayag na masira ang lahat ng plano niya.

"Sa tingin kong nakaabang na sila. "

" Sinong sila? " Takang tanong ni mom.

" Ilang ulit konang pinapasundan si Cheska,  she has a group mom at masasama ang lahat ng mga ito,  they will kill kung kinakailangan."

"Oh my God! " Gulat na tugon nito.

" Dad,  sa likod tayo dumaan, hindi alam ni Cheska na may pinto sa likod,  pero para makasigurado sisilipin ko mona. "

Tumango lang si dad,  habang si mom nakakapit sa bisig ni daddy. Hinay hinay akong naglakad papunta sa likod. Sumilip ako, nakahinga ako ng malalim ng mapansin kong tahimik ang paligid.

" Lets go. " mahina kong wika.

Sumunod naman sina dad. Nang makalabas kami,  agad kong kinuha ang kotse kong isa na nakatago.

" Mag seatbelt mona kayo mom,  para masigurado alam kong mapapansin nila tayo. "

Ginawa naman agad nila mommy. Huminga ako ng malalim bago pinaandar ang sasakyan. 

Habang nagmamaneho ako tinawagan ko ang kaibigan ko.

" Brad. " bungad nito sa akin.

" Nangyayari na ang kinatatakutan ko, nagsisimula na si Cheska. Brad I send you my account, ikaw na bahala mag trace sa amin kung ano mang mangyari ikaw na ang makakaalam. "

" WHAT?  OKAY OKAY, ipapasunod kona ang mga tauhan ko. "

" Okay." agad kong pinatay ang tawag. I also send him my account.

" Son, sinusundan nila tayo. " nanginginig na wika ni dad.

Tumingin ako sa salamin sa labas ng sasakyan. Mga armanado ang mga taong ito.

I open my private videos at send to Phoebe. Hindi ko alam kung maililigtas ko ang sarili ko pero gagawin ko lahat maligtas lang ang mga magulang ko.  Hindi magtatapos ang lahat sa ganito, hindi sa ganitong paraan.

" Mom, I'm sorry hindi ko alam kung kakayanin kong lampasan sila. "

Napatingin si mommy sa akin.  Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at saya.

BOGGSSS!!

" Ahhhh! " sigaw ni mom.

Tumama ang bala sa isang side mirror ko.

" Shyun, I'm sorry anak kung tinago namin sayo ito ng isang taon. Siguro sa mga oras na ito you need to know everything, ang mga bata , they all yours anak, sayo talaga ang kambal. " naiiyak na wika ni mom.

Napangiti ako habang tinitingnan ang kanyang mukha sa front mirror. "I love you." bigkas ko sa mga ito.

Nang mapansin kong malayo pa ang kotse nila sa kotse namin.  Nakaisip ako ng ideya. Pagkaliko ko sa isang iskinita.  Agad akong huminto at pinalabas sina mom.

" Gooo! "

" Shyun,  anak ko. " umiiyak na wika ni mom.

" Dad,  magtago mona kayo,  lilituhin ko muna sila. "

Tumango si dad at nagtago sa isang sulok.

Agad kong pinaandar ang sasakyan.  Nang mapansin kong nilagpasan ng mga sumusunod sina mom nakahinga ako ng malalim.  Kahit sa
mahirap na sitwasyon nag message parin ako sa kaibigan ko.

BOGGSSS!  BOGSSSS!  BOGSSS!

Natamaan ang isang gulong ng sasakyan. Sinubukan kong ihinto ngunit tila malakas ang pagkaka maneho ko at hindi na gumagana ang break.  Naramdaman ko na lang ang pagtama ng aking sasakyan sa isa pang kotse.

Sinubukan kong lumabas. Pero wala na akong maanigan kundi kadiliman. Hanggang sa mamanhid ang aking buong katawan.

" I'm sorry my wife. "

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now