66

1.8K 57 0
                                    

Kabanata 66

THE TRUTH

Nadatnan ko si Shyun na nakasandal sa kanyang kotse.  Tumibok bigla ang puso ko sa muling pagtatagpo naming dalawa.  Ilang linggo narin na hindi ko siya nakikita at iniiwasan ko rin na magkatagpo kami sa school.

  " Lets go. " seryosong wika nito at pumasok agad sa kotse na hindi man lang ako pinagbuksan.  

Habang nasa byahe kami,  wala kaming imikan dalawa.  Ako,  nakatanaw lang sa labas habang si Shyun focus na focus sa pagmamaneho. 

Pagdating namin sa nasabing lugar bumaba kami ki agad. 

" Phoebe,  after this one lets talk. " wika nito at naunang naglakad.

  Sumunod na lang ako rito habang haplos haplos ang aking tiyan. 

" Wag mong pakinggan si daddy baby, dapat magmana kay mommy okay. " mahina kong wika habang hinahaplos ang aking tiyan.  

Nang makapasok kami sa loob,  bigla na lamang hinawakan ni Shyun ang aking kamay.  Nagulat man ngunit hinayaan ko na lamang ito, parte na ito ng aming pagpapanggap.  

" They are here. " wika ni mommy margareth.  

Lumapit pa ito sa amin at hinalikan ako sa pisngi.

  " How are you anak? " Tanong ni mommy sa akin.

   " Im fine mom. " tugon ko rito. 

Habang nakaupo kami sa malaking table na nasa harap binitawan ko agad ang aking kamay na nakayapos sa kanyang kamay.  Napatingin din naman ito sa akin at ibinaling rin agad ang kanyang mukha kina mommy. Sumulyap ako rito, habang tinitingnan ko ang kanyang mukha bumabalik ang ala-ala naming dalawa pero mas nangingibabaw ang galit ko rito.

  " Kumusta kayo? " Tanong ni daddy miguel sa amin. 

" We are fine dad, nagiging close na kami masyado ni Shyun. " Pagsisinungaling na tugon ko rito. Gusto kong masuka sa word na close. 

" Buti naman Phoebe,  subukan lang iyang magloko makakatikim yan sa akin. " Seryosong wika naman ni dad. 

Sa halos dalawang oras na pagkwekwentohan habang kumakain halos lahat ako ang sumasagot sa mga tanong nila, si Shyun tahimik lang habang gumagamit sa kanyang cellphone.

  " Can you put your cellphone in your pocket Shyun. " saway ng daddy niya.  

" sorry. " tipid na wika nito. 

" Shyun,  here diba paborito mo ito." wika ko rito habang inilalagay ang isang crispy chicken sa plato niya.  

Ngumiti lang ito sa akin at kinain ang binigay ko.

   Sige kumain ka, you hate spicy right. Bulong ko sa sarili ko.   Bigla na lang itong inuubo-ubo at hindi makapagsalita. 

"Shyun,  oh my god here." bigay kong tubig rito. 

Agad din naman itong uminom.  Sila mommy nakatingin lang sa amin habang nakangiti. 

" *cough* sorry,  excuse me. " wika nito at umalis at nagtungo sa comfort room.  

" Phoebe we have to go. " wika nila mommy sa akin.

  " Ikaw na bahala kay Shyun. " sabi naman ni daddy.  

Tumango nalang ako sa mga ito at nagpaalam rin sa kanila. Ilang minuto ang lumipas,  bumalik agad si Shyun. 

" Where are they? " Tanong nito. 

Napatingin ako rito. "Umalis na. " walang kwentang tugon ko.  

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. " Aalis na ako,  mag ta-taxi lang ako. " Seryoso kong wika at inawan siyang nakatanga.

  Pagkalabas ko,  agad kong nakita si Khalil na naghihintay.   Ngumiti ako rito." Kanina kapa? " 

Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin." Lets go. " matigas nitong wika.  

Napalunok ako sa aking laway.  Lagot galit na si Mr. Carter.  

Habang nagmamaneho ito, pilit kong magpapansin pero tila seryoso talaga ito na ayaw akong kausapin.

   " Sorry na. " umiiyak kong wika. 

Napatingin din naman ito sa akin at biglang inihinto ang sasakyan sa gilid. Huminga ito ng malalim at pinahid ang mga luha sa aking pisngi.

   " Sorry." mahinang wika nito at hinalikan ako sa noo.   Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Khalil.  Naging mas close kami ni Khalil,  kung ikukumpara kay Shyun mas nanaisin ko na lamang na ito ang naging ama kaysa kay sa kanya. 

Pagkadating namin sa bahay, hinatid ako nito sa kwarto. 

" Matulog kana, gabing gabi na. " wika nito.  

Nagpasalamat ako rito at hinalikan siya sa pisngi.  

**two weeks later 

Nakatingin ako sa salamin habang hinahaplos haplos ang aking tiyan.    "Excited na si mommy na masilayan ka anak." masayang bulong ko sa sarili ko.

  Kring. Kring. Kring..

  " Hello. " bungad kong wika.

   " Sweety. " rinig ko sa kabilang linya.  

" Mom,  napatawag po kayo?" Tanong ko rito. 

" Yuhh, papunta kami sa bahay mo. " wika ni mommy. 

"What? " nataranta ako ng malaman kong nasa Pilipinas sila at mas nakakatakot sa bahay sila pupunta.

Agad kong pinatay ang tawag at dinial ang number ni Shyun.   Nag ring din naman ang cellphone nito. Ngunit ilang ulit na akong tumawag wala parin.

  " Shyun pick up. " naiinis kong wika.   Ilang minuto rin bago naisipan nitong sagutin. 

" What? " bulyaw nito.

  " Stkk, papunta si mom sa bahay. " naiinis kong wika rito.

" Babe,  sino iyan. " rinig ko sa kabilang linya.   So magkasama sila,  Oo nga naman Phoebe. Kasal nalang yata kulang nila eh.  Sa hindi inaasahan, naglandasan na naman ang aking mga luha.  Kahit matagal na masakit parin pala. 

" Fine,  magbibihis lang ako. " Wika nito bago pinatay ang tawag.  

Halos itapon kona ang cp ko sa. Sahig dahil sa walang modo na si Shyun.

   " Phoebe. " 

Nanigas ang aking buong katawan ng marinig ko ang boses na iyon.  Unti unti akong humarap.

  " Mom. "

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon