Chapter 83

2K 47 0
                                    

Phoebe POV

"Shyun handa naba iyang mga  pagkain? "

Napaka busy ng araw na ito dahil kaarawan ito ngayon ng kambal.  Nakaka excite panuorin na lumalaki na ang dalawang masakit sa ulo minsan.

" Yes mahal. " sagot ni Shyun.  Inaayos nito ang mga baloon at desinyo na gawa ni Micholo.

Napangiti ako habang tinititigan si Shyun.  Ang seryoso ng mahal ko,  basta tungkol sa mga anak niya ginagawa nito lahat.  By the way,  nakakalakad na ito ng maayos. Mahirap noong una, lalo't ako lang ang nag aalaga sa kanya ngunit di nagtagal nasanay narin ako dahil nandiyan naman ang kambal na pinapangiti ako. 

Napahinto ako ng kumuha ng upuan si Shyun. "  Opss!  Anong gagawin mo? " takang tanong ko rito.

" Isasabit ko to mahal. " hawak hawak nito ang larawan ng kambal.

Lumapit ako rito at inagaw ang hawak nito. " ako na at baka mapano ka."

Ngumiti naman ito at yinakap ako sa likuran.  " Kaya mahal kita eh. "

Tinapik ko ng dalawang beses ang mukha nito at kumawala sa kanyang pagkakayakap. "sige na at baka makita pa nila tayo,  alam mo na."

Napatawa ng mahina si Shyun at hinalikan ako sa pisngi bago pinagpatuloy ang ginagawa nito. 

Habang tinitingnan ko si Shyun,  hindi ko mapigilan maisip si Cheska.  Nasaan na kaya ito,  mula ng maaksidente si Shyun hindi na ito nagpapakita.  Gustuhin ko mang mawala na ito ngunit basi sa sinabi ni Shyun sa akin nababaliw na ito,  so hindi imposibleng babalik ito.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may tumapik sa aking balikat, napatingin agad ako rito.

" Kuya Rafhael."

" Ang lalim yata ng iniisip mo, ano bayan." ani ni kuya.

" Huh? " ahh wala po. " sinubukan kong,  magpanggap kay Kuya pero talagang matalas ang pag-iisip nito.

" Phoebe,  anong bumabagabag sa isip mo? "

Napabuntong hininga ako. " Kuya,  talaga bang wala na kayong balita kay Cheska? "

Tumahimik si Kuya. " Phoebe,  do me a favor. Sa ngayon wag mo siyang isipin,  ang pagtuonan mo ng pansin ang kaarawan ng anak mo.  Remember, nasira ang unang kaarawan ng mga ito kaya huwag mong hayaan ganon parin ang mangyayari ngayon. "

Napayuko ako.  Hinawakan naman ni kuya ang aking balikat.  Napatingin agad ako rito at napangiti. " thank you kuya. "

Ngumiti ito at hinalikan ako sa pisngi. " Ako na bahala sa baliw na iyon, okay. "

Tumango ako rito at yinakap siya ng mahigpit.

" Happy birthday to you,  happy birthday to you.  Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you. Happy birthday twins. "

" Yiehhhh. "

Nagpalakpakan ang mga bisita ng kambal matapos naming kaantahan ang mga ito ng maligayang kaarawan.  Tumatawa naman ang mga ito na talaga bang alam nila ang nangyayari sa paligid.

" Excited na yata sa cake ang dalawa eh. "

Agad kinuha ni Shyun ang cake at inilagay sa harapan ng dalawa.  Pumikit pa ang mga ito at tila nag wi-wish at agad rin pinatay ang kandilang nakapatong sa malaking cake ng mga ito.

Nagpalakpakan agad kami matapos nito at agad ring hiniwa ang cake. 

" Masaya ako,  Shyun." wika ko rito.  Magkayakap kaming dalawa sa iisang kama. 

Hinaplos nito ang aking mukha at dinampian ng halik ang aking ulo.

" Thank you for everything Phoebe. " mahinang wika nito.  Napangiti naman ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

***
• Third Person POV

" Anong balak mo? " tanong ng lalaki sa babae habang umiinom ng alak.  Makikita sa mukha ng babae ang galit.

Inubos ng babae ang alak at agad ring itinapon sa kung saan.  Nagbigay ingay ang nabasag na bote sa sahig.

" Maghihiganti ako. " Galit na tugon ng babae. Bumangon ito at binuksan ang isang malaking box.  Tumambad ang iba't ibang klase ng baril. Agad kinuha ng babae ang isang baril at itinutok sa isang vase.

"Boggssss! "

Basag ang vase at nagsikalat ang mga piraso nito sa sahig. Agad ring itinapon ng babae ang baril at tumawa na parang baliw. 

Samantala nakatingin lang ang lalaki sa kanya.  Iniisip nito ang pagiging saltik ng nasa harapan niya.  Mahal niya ito, at paparausan niya ang katawan nito kahit ang kapalit ang pagiging sunod sunuran.

" ihanda ang mga tauhan,  lulusob tayo. "

Tumango ang lalaki at lumabas rin ki agad sa silid na iyon.  Umupo uli ang babae at kinuha ang larawang nakatago sa kanyang kabinet.

" Hayop ka,  minahal kita tapos ito ang igaganti mo.  Pinatay mo ang puso ko at bilang ganti papatayin ko rin ang sayo Hahahahha. "

Umaalingawngaw ang boses ng babae sa buong bahay.
**
A/n: Ito napo nakapag update napo ako.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now