Chapter 9

2.3K 92 0
                                    


**Phoebe POV

"Bye kuya, ingat po kayo" . Ngiting wika ko kina kuya pagbaba ko nang sasakyan. Kinailangan nilang pumunta sa bikol para tingnan kung kumusta na ang ibang business pa namin doon. At mga ilang araw silang mawawala.

" Mag isa na naman ako " malungkot na bulong ko sa sarili bago hinakbang ang aking mga paa papasok sa aming Unibersidad. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room may napansin akong nagkukumpulang lalaki na malagkit na nakatingin sa akin. Scary!

" She's really beautiful bro "

" Ngayon ko lang siya nakita? "

" kaka Transfer lang iyan noon nakaraang araw ".

" Ohh interesting.."

" Mas maganda pa siya kay cheska Gab. "

" I want her! Lets make a plan."

Hindi naman sa sinasabi na napaka assuming niya para mag isip na siya ang pinag-uusaban ng mga lalaki ngunit ang weird naman kung nasa iba ang kanilang tinitingnan gayung siya lamang ang naglalakad ngayon sa hallway. Hindi niya na lamang pinansin ang mga ito at deri deritsong naglakad na hindi dinadapuan ng tingin ang mga ito.

***

" Class dismissed" mabuti naman at natapos ang napaka boring na lesson ng kanyang guro! *yawn* nakakaantok kaya lang nagugutom narin ako kaya sa canteen nalang ako kakain at doon narin ako matutulog hehe.

Habang nakapila ako para bumili ng pagkain bigla na lamang sumingit iyong mga ka grupo ni Amanda. Remember iyong natulak ko sa putik. Imbyerna hindi ba nila alam kung anong ibig sabihin ng Policy. Nasaan ba iyong mga SSG officers dito pinapayagan nga ba nila ang ganitong behavior.

" Excuse me miss hindi ka naman bulag para hindi makita na may nakaunang pumila sa iyo . Doon ka kaya sa likod eh no! " Inis na wika ng isang babaeng estudyante. Hmmm tama iyan girl pag nasa katwiran ipaglaban mo. Nakita ko pa kung paano tumaas ang kilay ng babae sinungitan niya.

" Kung gusto mong pumila doon, eh di ikaw ang pumila." Matapang na sagot ng naki insert na babae na kala mo naman kinaganda niya.

" Ahh ganun! Ate akin mo na iyong juice mo. " Ngiting wika niya sa babaeng dumaan. Magsasalita pa sana ang babae ng ..

SPLASSSSSSSHHHHHHH!!!

lahat ng tao dito napa sigaw at napasinghap ng itapon lang naman ng babae ang juice sa mukha ng babaeng naki insert sa kanya.

" Oh my .. Lean are you okay?" pag aalalang wika ng kanilang leader na si Amanda. Napairap na lang ako ng wala sa oras. Napaka arte kung magsalita akala mo naman Kinaganda niya ang kanya kaartehan.

" Amanda iyong damit ko huhuhu." Pagsusumbong ng haliparot sa mas haliparot niyang amo.

" You! Sino ka para gawin iyon kay Lean.. Hindi mo ba kilala kung sino kami? " Mapanghamon na wika ni Amanda sa babae na ngayo'y nakangiti na nakakaloka.

" Kilala ko kayo! Kayo lang naman iyong malalandi dito sa School na walang alam kundi angkinin lahat ng mga lalaki ! " Matapang na wika ng babae kay Amanda. Gusto niyang matawa sa itsura ni Amanda, namumula na ito sa galit at tumataas na rin ang kilay nito..

" Let's Go Girls!" Inis na wika ni Amanda sa kanyang mga kasama. Pagkaalis ni amanda bigla na lamang nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng canteen hindi rin siguro nila akalain namay kakalaban sa maarteng iyon.

" Ayy oo nga pala miss, iyong juice mo dadalhin ko na lang sa table mo. Pasensiya uli. " Paumanhing wika ng babae.

" Ay hindi okay lang miss.. Masaya rin naman ako dahil kay Amanda mo iyon ibinuhos. " Natatawang wika ng kausap nito.

Matapos kung omorder linapitan ko iyong babaeng nagbuhos ng Juice kay Amanda.

" Hi, okay lang maki share ng table? " Ngiting tanong ko sa babae.

" Yuhh sure." Walang pag aalinlangan niyang sagot sa akin.

" Ahmm ang tapang mo kanina huh. " Pagsisimula kong sabi sa kanya.

"Ikaw din naman huh." Wika niya sa akin habang nakangiti.

"What?" Gulat na sambit ko sa kanya.

" Alam kong ikaw iyong babaeng nagtulak sa kanya sa putik. Phoebe right?" Sabi niya sa akin habang sumusubo ng pagkain.

" Correction naitulak ko hindi itinulak. Pero paano mo pala nalaman?" Pagtataka kung tanong sa kanya.

" Nakita ko. At sikat karin naman sa school eh" Wika niya habang nakatingin sa akin ng mabuti.

" Sikat?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"By the way I'm Clarice." Pagpapakilala niya sa akin habang nakalahad ang kanyang mga kamay sa akin.

" Phoebe." Ngiting wika at tinanggap ang kanyang kamay.

" So sikat ka kasi maganda ka. Lahat yata ng kaklase kong lalaki ikaw iyong pinagpapantasyahan.. Mas maganda ka pa nga kay Cheska eh."

Mahina niyang sabi ngunit may diin ang bawat pagbigkas niya ng salita. Natahimik ako sa kanyang sinabi. Sikat? As in parang hindi ko naman feel maging isang sikat dito.

" Cheska? Sino iyon? " Tanong ko sa kanya habang binubuksan iyong pagkain ko.

" She's beautiful too just like you. " huminto siya at huminga ng malalim bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. " She is our Campus Princess, at boyfriend niya si King. " Sagot niya sa akin.

"King? Sino rin iyon? Tanong ulit ko sa kanya. Para na akong tinubuan ng pagiging chismosa nito.

" He is our Campus Prince kilala mo siya Si Shyun Zaigo Corpuz." Wika niya habang tumitingin sa paligid. Baka sinisigurado niyang wala ang lalaking iyon.

So sikat talaga ang hambog na lalaking iyon dito.

" Pero nasaan si Cheska? Tanong ko habang sinusubo ang sandwich na gawa nila kuya kanina.

" Iwan.. Simula kasi noong nagkagulo between Cheska and Zaigo hindi na nagpakita si Cheska." Walang gana niyang sabi.

" Ano ba nangyari?" Chismosa kong tanong sa kanya. Eh sa sa gusto ko eh at parang magkakasundo kami ni Charice eh.

" ang alam ko nakipag relasyon si Cheska sa pinsan ni Zaigo. At nahuli ni king si Cheska na kasama ang pinsan niya sa kama. " Mahina niyang sabi sa akin. Talagang nag iingat ang isang ito.

" Really!" Gulat na wika ko sa kanya. May pinagdadaanan rin pala ang bakulaw na iyon.

" Napakabait ni king noon. Hindi basugelero , hindi nanggagamit at makikita mo kung gaano niya kamahal si Cheska. But after Cheska cheating on him nagbago na siya. " Malungkot na wika ni Clarice. Taga hanga ngaba ito ni Shyun eh sa tono ng pananalita niya eh parang siya pa iyong nalulungkot sa kinahihinatnan ng bakulaw na iyon. Magtatanong pa sana siya ng may nagsalita sa kanilang likod.

" Done talking about my past life girls?"
*****

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon