72

790 9 0
                                    

Kabanata 72
*Khalil POV 

Nandito kami sa park,  namamasyal kasama ang anak ni Phoebe. Alam kong mali ang nararamdaman ko pero hindi ko maiwasang maisip na sana ako nalang,  ako nalang ang mahal ni Phoebe at ako nalang ang ama ng mga anak niya. Ilang taon narin kaming magkasama at hindi mahirap mahalin si Phoebe. 

"Ayos kalang? " tanong ko rito.  Tila wala ito sa pag-iisip at namumutla pa.  

" Khalil,  can you get Lythan, cr mo na ako. " 
Tumango ako at kinuha ang anak nito na natutulog sa kanyang balikat.  Nang makaalis na ito, tinitingnan ko ang mga taong masaya kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Napahinto ako ng may mapansin akong pamilyar na tao.  Aalis na sana ako ng mapansin ako nito.  

"Khalil,  is that you? "   Tanong nito sa akin. 

Lumilinga linga ako sa paligid saktong wala si Phoebe rito. 

" Yuh, nandito pala kayo? " tanong ko sa kanila.  

Ngumiti si Cheska at kumapit sa braso ni Shyun. "Bakasyon lang. "  

Tumango tango ako sa mga ito. 

"Ohh,  ang cu-cute nila,  anak mo? " tanong ni Cheska habang hinahawakan ang kamay ni Lythanie.

  "Ahh, oo."  

"Sino kasama mo brad? " seryosong tanong ni Shyun.

"H-uh?  Ano, wife ko." 

" Ang bilis mo yatang nakapag asawa,  ka gra-graduate lang natin ah. " si Shyun ulit.

   " Ganon talaga,  ayoko nang mapunta sa iba eh. " matigas kong wika rito.  

Nakipag titigan si Shyun sa akin.  Alam kong may gusto siyang ipahiwatig sa mga tanong niya. 

"Ang sweet niya babe no,  kailan kaya tayo magkaka baby. " malambing na wika ni Cheska kay Shyun.  

Napahinto ang mga ito ng umiyak si Lythan. Kahit anong pagpipigil ko na huminto umiiyak parin ito. Kinuha agad ni Cheska ngunit tila ramdam ng bata ang kati sa katawan nito at mas lalo pang lumakas ang pag iyak.  

"Ako na. " pag prepresenta ni Shyun.  Agad din naman binigay ni Cheska ang bata kay Shyun at ilang segundo lang tumigil sa pag iyak si Lythan at natulog uli sa mga bisig ni Shyun. 

  "Ayan, gusto ka yata ng bata babe. "   Ngumiti lang si Shyun at hinahawakan ang mukha ni Lythan. Lumilinga ako sa paligid ng mapansin kong naglalakad na pabalik si Phoebe. " Lagot na!" Bulong ko sa sarili ko. 

Napansin kong huminto si Phoebe at tumingin sa amin.  Alam kong napansin nito sina Shyun, nang nagtagpo ang aming mga mata sininyasan ko ito na magtago mona.  Agad din naman nitong sinunod at nagtago sa malaking puno.

   "Ahh Shyun akin na. " wika ko rito.  Pero tila bingi ito at hindi man lang ako pinakinggan. Wala narin akong nagawa at hinayaan na lamang siya.  Nang magising si Lythanie agad nitong hinanap ang mommy niya. 

"Mukhang matatagal pa ang misis mo khalil. " si shyun.

  "Baka nga. " walang kwenta kong sagot.  

"Babe,  lets go na. " maarteng wika ni Cheska. Tila napapagod na ito..  

Tumango naman si Shyun at ibinigay si Lythan sa akin.  Nang makalayo na ang mga ito, sininyasan ko uli si Phoebe na bumalik.  

"So nandito talaga sila. " inis na wika ni Phoebe habang karga karga si Lythanie. 

"Hayaan mona,  hindi natin hawak ang desisyon nila. " 

Tumahimik din naman ito at pinagpatuloy ang paglalakad.  Ngunit kapalaran nga naman, nagtagpo ang mga landas namin ni Cheska. Nagulat pa ang mga ito ng makita kaming magkasama ni Phoebe.  

"Phoebe?  Oh my god! " gulat na wika ni Cheska.   Hindi naman makapagsalita si Phoebe.   

" Kaya pala nawala ka agad. " mataray nitong wika.

  Hindi na lamang pinatulan ni Phoebe at nilampasan siya.  

"Hey!  Im still talking to you. "   Napahinto si Phoebe at humarap uli rito.

"Sorry Cheska,  wala ako sa mood makipag usap sa iyo. Kita mong natutulog ang anak k-- namin. Kaya please lang aalis na kami. "  

Hindi narin kumibo si Cheska at hinayaan kami. Nang makarating kami sa sasakyan agad pumasok si Phoebe. 

  "Ayos ka lang? " tanong ko rito.

  Tumango lang ito sa akin. Alam kong iniisip nito na sasabihin ni Cheska lahat kay Shyun at kung magkataon man na malaman ni Shyun tiyak mag-iisip ito ng masama kay Phoebe.  

Nang makarating kami sa bahay agad naming ipinasok ang dalawa sa kanilang silid.

   "Magpahinga kana rin phoebe. "  

Tumango na din ito at pumasok sa silid ng dalawa.  Huminga ako ng malalim bago tinawagan ang kuya nito.   Nag-ilang ring bago sagutin ni Rafhael. 

"Napatawag ka." bungad nito sa akin.  

"Nagkita kami ni Shyun kanina. " 

" Oh,  so nandito rin siya. "  

"Yuh,  nakita niya ako kasama ng mga bata. "

Bigla na lamang natahimik si Rafhael. 

" Si Phoebe? " 

"Iyon nga, napaiwas ko sana ngunit nagtagpo kami uli ng babae ni Shyun."

"Okay,  ako na bahala." mahinang wika nito sabay binaba ang tawag.  

Lumipas ang dalawang buwan,  tila walang nagbago. Hindi narin kami nagkita nina Shyun at siguro wala na talaga itong nararamdaman kay Phoebe. At sa araw na ito,  isang taon na ang kambal.  

" Phoebe, nakaayos naba lahat? " tanong ni grama rito.  

Tumango naman si Phoebe. Tila excited na excited ito sa gaganapin mamaya.  Hinihintay nalang namin ang mga kaibigan nito at mga kuya niya. 

"Excited si mommy huh. " ngiting wika ko rito.  

Tumawa naman ito ng mahina. Mas lalo tuloy gumanda si Phoebe sa paningin ko.   

"Khalil,  dito ka mona pupuntahan ko mona ang kambal sa loob. "

"Sige. "

Nang umalis na ito, ipinagpatuloy ko ang pagtulong para sa gaganapung celebration mamaya.  Napaisip ako, alam kong mali pero sana hindi na bumalik si Shyun.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora