56

1.7K 67 1
                                    

Kabanata 56 

" Phoebe, wake up sweetheart we are already here."  

Naalimpungatan ako ng tapikin ni mommy ang pisngi ko. Bumangon ako sa pagkakahiga sa paanan nito at kinusot ang mata ko.  

" Tingnan mo ito,  para paring bata. " Natatawang wika ni mommy habang nakatingin sa ginagawa ko. 

" Aghhh!!" Iniinat inat ko ang katawan ko,  nakakapagod yata ng ginawa ko sa araw na ito. 

" Bumaba kana diyan para makapag hapunan na tayo. " Seryosong wika ni mommy bago pumasok sa bahay kasama ni daddy.  

Pagbaba ko,  nakatingin ako ng ilang minuto sa bahay. Dito ako nagkamulat, ito ang unahang tahanang nagbigay buhay sa akin.  Huminga ako ng malalim at humakbang papasok sa mansyon.

  Pagpasok ko unang bumungad sa akin si nanay meling.  Lumapit ako rito at yinakap siya ng mahigpit. 

" Kumusta ka na anak?" Naluluhang tanong nito. 

Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya. " Ayos lang po ako nanang,  kayo po? "

" Ayos lang din naman ako iha. " Masayang wika nito.  

" Manang, hali na kayo kakainin na tayo. "  

Rinig kong wika ni mommy sa dining area. Hinawakan ko ang kamay ni nanang at iginayak papunta roon.  

" Mom,  ang dami yata ng niluto ngayon. " Manghang wika ko rito.  Lahat yata ng paborito ko naririto.  

" Haha, tinawagan ko talaga si manang para ipagluto iyong mga paborito mo. " Natatawang wika ni mommy.  

Bago kami kumain,  nagpasalamat mo na kami sa panginoon sa biyayang pinagkaloob niya sa amin. 

" Anak kumusta naman ang pagsasama ninyo ni Shyun? " Tanong ni mommy sa akin. 

Inubos ko mo na ang pagkain sa bibig ko bago ko sinagot si mommy. " Ayos naman mom,  sa una lang mahirap pero ngayon nagkaka sundo  na kami. "  

" Mabuti naman Princess ." masayang tugon naman ni daddy.  

Napuno ng halakhak at kwentohan ang hapag kainan.  Ilang buwan narin noong huli kaming nagkasama nila mommy at daddy,  ngunit mas masaya siguro kong naririto sina kuya nakaka miss tuloy ang mga ito.  

" Nang,  ako na maghuhugas ng pinagkainan natin. " Wika ko kay nanang meling pagkatapos naming kumain. 

" Nako anak,  ako na minsan ka lang narito kaya pumasok kana para maka pag bonding kayo ng mommy at daddy mo." di pagsang ayon na tugon nito sa akin.

  " Pero nanang, gusto ko rin kayong maka bonding. " Nagtatampo kong wika rito.  

Humarap ito sa akin,  " Anak, iyong mga magulang mo minsan lang iyang naririto pero ako naririto lang sa bahay nato kaya wag kang mag aalala,  mapupuntahan mo pa ako rito. " Wika nito at tinaboy ako palabas ng kusina.  

Ngumiti lamang ako rito at pumanghik narin sa kwarto nila mommy. Kumatok mo na ako bago ako pumasok sa kwarto.  Nadatnan kong nakahiga na ang mga ito.  Hinay hinay akong tumabi sa gitna nila at yinakap ang mommy ko.  Napansin kong nagising ito at hinalikan ang noo ko at pumikit narin ulit.   Dahil narin sa pagod,  nakatulog rin ako kaagad. 

  " Shyun,  saan ka pupunta?" takang tanong ko rito.  May dala dala itong maleta.

   " Im tired Phoebe. " seryoso nitong sagot habang nakatalikod sa akin.  

" Hu-h?  What do you mean? " Naiiyak kong tanong.  

Humarap ito sa akin, at nagulat ako ng hubarin nito ang singsing at binatawan sa harap ko.  Nalaglag ang singsing sa sahig at umikot ikot ito papunta sa deriksiyon ko.  

Naglaglagan ang mga luha kong kanina pang gustong kumawala sa aking mapupungay na mga mata.   " Shyun? " 

" Im sorry. " Huling wika nito at iniwan ako...  

" Nooooo!! "  

Nagising ako dahil sa napanaginipan ko. Pati sina mommy nagising rin sa sigaw ko. 

" Princess are you okay? " Nag aalalang tanong ni mommy sa akin.   Habang si daddy pinupunasan ang pawis ko sa mukha. Kahit sa realidad patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha. 

Sniff. Snifff..  

Napuno ng hikbi ang buong silid habang yakap yakap ko ang aking mga magulang.
*
A/n: invite your friend na basahin ang story ko guys❤️help nyo ko

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon