39

1.8K 67 0
                                    

Kabanata 39
##inlove

  " Phobe?" 

Napalingon ako kay Shyun. Tumaas ang kilay ko at tumitig sa kanyang maamong mukha...

  " Hmm bakit? "

Lumapit ito sa akin at hinawi ang naglaglagan kung buhok sa mukha.   

" Go to bed early,  aalis tayo bukas." Mahina nitong wika at pinatalikod ako.  

Kumuha siya ng sinuklay at sinimulang suklayan ang nag ka buhol buhol kong buhok.  So sweet Shyun nakaka inlove. 

" Ano meron bukas? " Taka kong tanong sa kanya.  

" Nothing . I just want to go out with you. " Malambing nitong tugon at sinimulang igapos ang aking buhok.  

Tumango ako rito at humarap sa kanya.  

" Matulog na tayo." Ngiti kong wika ko sa kanya. 

Ngumiti din naman ito sa akin at hinawakan ang aking kamay papunta sa sa silid. 

" Tabi tayo? "

" Mag iisip ako.. " Inosente kung wika at inilagay ko pa ang aking kanang daliri sa aking ulo na tila nag iisip.  habang ang aking mga mata ay tumitingin sa kanyang uluhan.  

Napatawa din naman ito sa akin at bigla akong yinakap ng mahigpit.  Naramdaman ko na lamang na tila lumilipad ako, at ang pag bagsak ko sa malambot na kama.

  Humiga ako at tila nilalamlam ang mahalimuyak na bango ng silid.   Naramdam ko na lamang ang presensiya ni Shyun na tumabi sa aking pagkakahiga.  

" Shyun.. 

" hmmmm.. 

" Thank you..  

" For? "

" For this .. 

Narinig ko pang may sinabi ito ngunit linamon na ako ng kadiliman ay este ng kalangitan dahil pati sa pagtulog si Shyun parin ang kapiling ko.   

" Phoebe..

  Naalimpungatan ako ng may tumapik sa aking mukha. Dinilat ko ang isa kung mata at tiningnan ang taong sagabal sa aking pagpapahinga.   Oh isang gwapong lalaki ang nakatayo sa harap ko at hmm nakatapis ang kanyang pambaba ng tuwalya.  Shit nakakainlove..  

" Hey,  wake up sweetheart..  

Ang kanyang boses ay parang isang anghel na dinadala ako sa rurok ng kalangitan. 

**stupp..  

" Sweet"  

Rinig ko pang wika nito.

  " Phoebe if you don't get up I'll strip you".  

Parang nag echo sa loob ng isip ko ang huling sinabi ng lalaki.  Napadilat ako bigla at bumabangon sa kama.  Kinuha ko pa ang dalawa kung unan at parang nag hahamon ng away.  

" Sige subukan mo. " Sigaw kong wika.   

Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Shyun at..

  " Bwahahahahahahahaha... " humawak pa ito sa kanyang tiyan habang tumatawa ng malakas. 

Matagal bago ako nakaramdam ng hiya.  Tangina Phoebe..

   " Ehhh Shyun naman eh.. " Inis kong wika at binato ang dalawang unan sa mukha niya.  

Maiglap namang nahawak ni shyun ito at ibinato uli sa akin. 

" hahaha okay..  Maligo ka na Phoebe.. " Ngiting wika nito bago lumabas sa silid na iyon.  

Napapikit ako sa ginawa kong katangahan at naghintay ng ilang minuto bago ako naligo.  

" Phoebe are you done? "   Rinig kong tanong ni Shyun sa labas ng kwarto.

  " Not yet Shyun.  Wait a minute. " Tugon ko rito..  

Nakatingin ako sa salamin hindi ko alam kung gusto ko bang lumabas sa itsura ko.  Nakasuot ako ng pink dress off shoulder and above the knee. Kitang kita ang collarbone ko nito. Naglalaway ako sa sarili kong katawan, so sexy Phoebe.  While nakasuot ako ng nadia sandal na bumagay sa suot ko. Hindi rin ako ng naglagay ng maraming make up bagkos pulbo lang at lip tint ayos na sa akin. 

Tok. tok. tok.

" Let's go Phoebe". 

Huminga ako ng malalim bago ko tinungo ang pinto at binuksan ito.   Nakita ko ang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ko.  Nakasuot ito ng dress white shirt,  atletic fit jeans at brown sperry shoes. Nakss artista.   Tumingin ito sa akin at ngumiti sabay abot ng kanyang kamay.   Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kotse habang tumatawa. Para kaming bagong kasal na ayaw nang maghiwalay kahit ilang segundo.  

Lumanghap ako ng sariwang hangin habang tinitingnan si Shyun na Inilalagay ang mga pagkain na dadalhin namin sa pamamasyal.  Nangangamba man ngunit ramdam kong iba na ang status naming dalawa.  Kung anong magiging kahihinatnan nito lugod kong tatanggapin ito.   

Tumingin ito sa akin at ngumiti ng kay tamis.  Unti unting lumapit ito at bumulong na dahilan nang aking pamumula. 

Dug. Dug.  Dug.  

" Gorgeous sweety..

  Tama bang ma inlove ako kahit alam kung una palang hindi siya para sa akin.  May karapatan lang ako sa papel ngunit hindi sa puso niya.  Haisttt ang gulo.
**

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon