Chapter 20

2.1K 66 0
                                    


** Phoebe POV

" Anong nangyari doon. " Nagtatakang wika ni Rochelle sa amin matapos umalis bigla si Clarice at hindi manlang tinapos ang kanyang kinakain.

" Ang weird ng baklang iyon." Nagtataka ring wika ni Micholo habang nakatingin sa itaas.

" Baka lang may masakit sa kanya , wait lang pupuntahan ko. " Aakmang tatayo ako ng magsalita si kuya Micko.

" Wag mo na siyang sundan Phoebe .. Maybe she wants to be alone.. Hindi natin alam na guguilty iyon. " Ngiting wika ni kuya sa akin. Nagtaka tuloy ako pati iyong mga mukha ni Rochelle at Micholo hindi maipinta.

" Paano mo naman nasabi iyon kuya? " Inosenteng tanong ni prince.

" I just feel it. " Seryosong sagot nito.

" Kailan kapa nag ka interes sa mga ganyan Micko. " Nagtatakang tano ni kuya Rafhael. Oo nga naman sa pagkakaalam ko wala siyang pakialam sa nararamdaman ng babae except sa amin nila mommy .. Ang weird ni kuya..

" Kumain nga kayo wag kayo puro tanong sa akin. " Inis na sabi ni kuya sa amin. Natahimik narin kaming lahat at pinagpatuloy ang pagkain.

" Im done, sa kwarto mona ako. " Wika ni kuya Micko at tuluyan ng umalis at umakyat sa taas papunta sa kanyang silid. Napa aray ako ng sikuhin ako ng magaling kong kaibigang bakla. Pinandilatan ko siya ng mata at peace sign lang ang iginanti nito.

" Bakla ganyan ba talaga iyong mga kuya mo." Seryosong wika ni Micholo sa akin.

" Ang alin?" Takang tanong ko rito.

" Ang gwagwapo parin kahit kumakain ." Malanding wika niya habang sumusubo ng cake. Halos mahulog ako sa upuan dahil sa sinabi niya lang kwenta talaga kausap nito.

" Pero seriously parang may kakaibang nangyayari kay Clarice kanina pa iyan noong pinuntahan ko siya sa kwarto. " Makabuluhang wika ni Micholo.

Nakapagtataka naman baka may problema ang isang iyon.

" Kausapin nalang natin mamaya bigyan mo na natin siya ng space". Ngiting wika ko sa kanila habang sinimulang iligpit ang aming pinagkainan. Samantala sila kuya pumunta mo na sa labas magpapahangin at sumunod narin sila Micholo at rochelle doon. Lalandiin mona daw nila ang mga kuya ko. Hahay sana hindi ako mahawa sa ka abnormalan ng dalawang iyon.
****

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon