64

1.8K 58 0
                                    

Kabanata 64 

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.

" Phoebe."  

"Baklaa." 

Naanigan ko ang mga pamilyar na mukha . Napahawak ako sa ulo ko." Anong nangyari?" Tanong ko sa mga ito. 

" Nawalan ka ng malay bakla." Nag aalang wika ni Micholo sa akin. 

Naalala ko ang nangyari , oo nga pala tinakwil pala ako ng lalaking pinagkatiwalaan ko.

"Uwi na tayo." Mahinang wika ko sa mga ito

  " Hindi pwede Phoebe, kailangan pa natin hintayin ang doctor." Wika ni Clarice.

  Napalingon kami ng bumukas ang pintuan at pumasok si Khalil at ang doctor. 

" Gising na pala iyang misis mo carter." Ngiting wika ng doctor kay Khalil.

" Ayos ka lang ba misis?" Tanong nito sa akin.

  " Ahh , opo kunting pagod lang po iyong nararamdaman ko." Tugon ko sa doctor. 

Tumango lang ito sa akin." kailangan mo rin magpalakas ng katawan , hindi lang puro kain ng masustansiya kundi kailangan mo rin mag ehersisyo at iwasan mo iyong mga bagay na nagpapahamak sayo at sa baby mo." wika ng doctor sa akin.

Tango lamang ang isinasagot ko sa doctor. Pagkatapos binigyan ako nito ng reseta para sa vitamins ng baby . 

Nang makarating kami sa bahay, pinahinga ko narin agad ang sarili ko .

  " Bakla, pahinga lang mona kami." Inaantok na wika ni Micholo.

Tumango lang ako sa mga ito at nagpasalamat narin. Habang si Khalil nakatayo lang sa harap ko. 

" Matulog kana." wika ko rito.

  " Mamaya na, babantayan mona kita." tugon nito. 

" Haha ano kaba, ayos lang ako Khalil." natatawang wika ko rito.

" Siguro, pero hindi ang puso mo." seryosong wika nito na nagpahinto sa akin. 

" Mahina ako Khalil iyon ang totoo." matigas kong wika rito. 

" Siguro nga Phoebe, pero alam kong lilipas din iyan." sagot nito habang nakatingin sa akin. 

Ngumiti lang ako rito at huminga ng malalim.

" Tulog kana, may pasok pa tayo bukas." wika nito at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng aking silid.

  " Baklaa, halika na malalate na tayo." Sigaw na wika ni Micholo sa baba.

Nandito pa ako sa aking silid tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin. Maganda pa ako ngayon baka pag lumaki na si baby sa tummy ko papangit na ako. Ang lungkot.

Tok. Tok. Tok.

" Phoebe , tapos kana ba ?"   Rinig kong wika ni Khalil na nasa labas ng pintuan.

" Ahh , oo khalil. " Tugon ko rito. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintoan.

  " Ay bagal mommy huh." mataray na wika ni Micholo sa akin.

" Patayin kaya kita para mas mabagal." Pananakot kong wika rito. Nagulat naman ito at nagtago sa likod ni Clarice. Napatawa naman ang mga ito sa reaksyon ni Micholo.

  Nakatayo ako ngayon sa harap ng Unibersidad. Nanginginig ang aking mga tuhod habang naiisip na nandiyan sa loob sina Shyun kasama si Cheska. Naglalambingan at nagmamahalan. Hinawakan ko ang tiyan ,  " baby kaya natin ito." bulong ko sa sarili.

" Halika ka na Phoebe." Paanyayang wika ni Khalil.

  Tumango lang ako rito at agad ring pumasok sa loob. 

" Maganda si Cheska, pero mas maganda parin si Phoebe."

  " Tama ka friend, Phoebe is better than Cheska." 

" Ang sweet ni Shyun kay Cheska no." 

" Ang swerte talaga ng babaeng iyon, biro mo hinintay parin siya ni Shyun sa halip ng ginawa niya."

Napahinto ako sa bawat boses na naririnig ko mula sa mga estudyante. Halos si Cheska at Shyun ang bukang bibig nila. Napalingon ako kay Khalil ng hawakan nito ang kamay ko. 

" Don't mind them." Mahinang wika nito at siyaka ngumiti sa akin. 

Tumango lang ako at nginitian rin siya.

" Baklaa, yong vitamins wag kalimotan." paalalang wika ni Micholo.

" Phoebe, pag nagugutom ka gumawa ako ng sandwich na sa loob ng bag mo. " sabi naman ni Clarice.

" Phoebe, uminom ka ng tubig lage huh." wika naman ni Clarice.

" Guysss, relax gagawin ko lahat ng sinabi niyo .. Umalis na kayo." natatawang pagtataboy ko sa mga ito. 

Sumimangot naman ang mga ito, at nagpa alam rin.

" Pano , Phoebe pasok na tayo." wika ni Khalil.  

Napalingon ako rito." Huh? " 

" Magkaklase na tayo Phoebe." Ngiting wika nito. 

" huh? paano?" Takang tanong ko rito. 

" Wag kanang magtanong , halika na." seryosong wika nito at umakbay sa akin. 

Wala narin akong ginawa at hinayaan na lamang si Khalil.  Habang papasok kami sa aming silid, biglang tumahimik ang maingay at magulo kong mga kaklase. Nakatingin ito sa amin ng malagkit. 

" Uyy, Queen may boyfie kana pala." wika ng kaklase kong bakla.

" Ang pogi Queen huh, pakilala ko naman." malanding wika naman ng isa ko pang kaklase. 

Napalingon ako kay Khalil na ngayoy nakangiti na. " Ipakilala mo na raw ako." Bulong na wika nito.

Inirapan ko na lang ito. " Goodmorning guys, Khalil Carter , engineering depart-.. 

Naputol ang sasabihin ko ng may sumapaw

" Ahhhhh!! Kaya pala hindi namin siya napapansin masyado. Halo pogi." pagpapa cute na wika pa ng isa kong kaklase. 

Nginitian lamang ni Khalil ito at sobrang kinilig ang gaga. 

" Queen, anong ginagawa niya rito?" Tanong ng isa pa.

  " Magiging kaklase niyo na ako." seryosong wika ni Khalil.

" Wahhhhh!!"  Rinig ko pang sigaw ng mga kaklase ko. 

" Paano iyan, change course ka?" tanong ng isa pa.

" Hindi , tinapos ko na lahat ng major subject ko at minor subject nalang ang natitira." tugon naman ni Khalil sa mga ito. 

" Ahh, pwede pala iyon?" Tanong pa ng isa kong kaklase.

  Tumango lang si Khalil at nag excuse sa mga ito. Nang nakaupo kami hinarap ko ito. 

" Totoo Khalil? " tanong ko rito.

" Nahh?" Inosente nitong tanong. 

"Khalil naman eh." nagtatampo kong wika.

" Oo Phoebe, plinano ko lahat ng ito." mahinang wika nito. 

" At bakit?" Takang tanong ko. 

" Para sa iyo." seryosong wika nito habang nakatingin sa aking mga mata.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now