Chapter 4

3K 97 1
                                    


**Phoebe POV

Habang kumakain ako sa canteen ay rinig na rinig ko ang bulong bulungan ng mga estudyante habang ang kanilang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha. Kinuha ko iyong salamin ko at tinignan ang aking mukha. Wala namang pinagbago maganda parin ako hehehe. Hindi ko na malayan na may nakatayo sa likod ko. Saktong pagtingin ko nakita ko iyong lalaki kanina si Mr. AB. Seryosong nakatingin sa akin kasama ang mga gwapong lalaki. Ganito ba ka swerte ang mga taong ito na pati ka gwapuhan na punta sa kanila lahat.

" ohh who is this beautiful woman bro?" Ngiting wika ni Mr. Chinito . Napadako ang tingin ko sa kanyang mga mata. Siguro habang pinagbubuntis to ang laging kinakain ng mommy niya ay iyong maaasim kung kaya ganyan iyan. Talaga nga ba ? And weird naman kung ganon. Pinalo ko iyong ulo ko dahil nagsisimula na naman iyong ka praningan ko.

" Another girl of Mr. Corpuz". Saad naman ng isang anghel na bumaba sa langit ang cute nang dimples niya sana sa akin nalang siya.

" Done staring woman?" Inis na tanong ni Mr. Ampalaya habang masamang nakatingin sa akin.

" Eh ano naman sa iyo. As if you care right. At isa pa hindi naman ikaw iyong tinitingnan ko." Mataray kung sabi sa kanya habang nakatingin sa kanyang gwapong mukha. Nakita ko pa kung paano suminghap ang mga tao dito. Ganun na lang ba ka sikat ang mga mokong na ito kung kaya lahat ng tao dito natatakot sa kanila.

" Lagot na... mapapaalis ang babaye iyan dito! Wika ng isang babaeng pinaglihi ng kabayo dahil sa napakatalinis nitong mukha.
" Tama ka diyan girl !" pag sang ayon pa nang kapareha niyang lahi.

Tiningnan ko silang dalawa ng masama pagkatapos inirapan lang ako ng mga inggetera. Nakawalang ganang kumain dito. Tatayo na sana ako nang biglang umupo iyong masungit na lalaki sa tabi ko kasama ang kanyang mga kaibigan.

" Opss don ka umupo ". Turo ko sa kanya sa kabilang table. Tiningnan lamang ako hayop na lalaki tapos kinuha ang pagkain ko sabay subo ng natitirag hotdog and sandwich na gawa ni mommy. Nakita ko pa kung paano ninanamnam ng lalaki ang pagkain niya sa bibig nito. Hindi ako makakilos sa ginawa nya napaawang lamang ang bibig ko dahil dito. Sinong baliw na tao ang kakain ng pagkain galing sa isang stranger. Hindi ba siya nandidiri sa ginagawa niya. Napatingin ako sa mga kaibigan niya habang kumakain. As in wala lang sa kanila iyon hindi pa nila papagalitan ito.

" Sweet" ngiting wika ng lalaki sa kanya matapos itong ubusin ang pagkain niya.

" Seriously Mr. Nobody! Hindi kaba binibigyan ng pera ng nanay mo para bumili ng sarili mong pagkain?" takang pagtatanong ko sa kanya.

" Money? I dont need their money I have my own. And if you want to know if Im telling you the truth then come with me." Seryosong wika ng lalaki sa kanya habang nilalaro ang kanya cellphone.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa tono ng pananalita niya. May kung anong ibig siyang pahiwatig eh at tanga lamang ang babae kung maniniwala sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha sabay sabing " neknek mo!"

Nakita ko pa kung paano nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng inis. Akala nya siguro maloloko nyako. Pa lakad lakad lamang ako hanggang nakarating ako hardin ng aming unibersidad . Namangha ako sa dami ng bulaklak dito hindi ko akalain may ganito pala sa likod ng paaralan. Ilang oras ngaba akong umiikot sa universidad bago ako napunta dito . Ang sakit na ng paa ko . Uupo sana ako sa may damohan ng may narinig akong umuungol. Ohmmoo may momo !!!

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now