Chapter 85

1.8K 50 3
                                    

REVENGE

" Shyun,  iyong anak natin huhu. " nanginginig ang aking buong katawan habang iniisip ang mga anak kong walang kasalan sa nagyayari.

"Shhh..  Makikita natin sila. " hinahaplos haplos ni Shyun ang aking mukha. Walang tigil ang pagdaosdos ng aking mga luha.

" Kuya,  ang kambal." nagmamakaawang wika ko sa mga kuya ko.  Nagkatinginan lang ang mga ito at nagsitanguan.

Lumapit si Kuya Zendrick sa akin, at hinaplos ang aking mukha. " Don't worry princess,  ibabalik namin ang kambal saiyo."

Ngumiti ako at tumango rito.

Dalawang araw ang lumipas ngunit wala kaming balita tungkol kay Cheska.  Sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan ng mga ank ko.  Ang dating maaliwalas at maingay na mansyon ay napalitan ng pighati at katahimikan.  Sina kuya lageng wala sa bahay madalang na lamang itong umuwi matapos ang pagkawala ng kambal.  Sina mommy,  pinauwi mona namin sa Pilipinas dahil saksi ito sa pagkawalay ng mga apo nito at hindi maganda sa kanilang kalusugan.  Si Shyun,  kailan man hindi niya ako iniwan sa aking tabi.


Lunes ng hapon, ng mapansin kong maingay sa sala namin.  Agad akong bumaba ng madatnan ko sina kuya,  kasama ang ibang tao na hindi pamilyar sa akin.

Lumapit ako kay kuya Rafhael. " Kuya,  ano meron? "

" May nakuha kaming impormasyon tungkol kay Cheska, at we need them. "

Tumango ako.  Wala na akong oras para magmokmok gusto kong tumulong para sa mga anak ko.

" Mahal,  nakatanggap ako ng mensahe mula kay Cheska."

Napatingin ako kay Shyun,  at yinakap ito.  Mababaliw ako kung wala ang lalaking ito sa ganitong sitwasyon.

Ilang minuto ang nagdaan ng tumunog ang cellphone ni Shyun. Tumingin ito sa amin at agad ding sinagot ang tawag.

" Hello. "

" Ohhh,  its you my dear Shyun hahaha. " rinig namin sa kabilang linya. 

" Hayop ka,  nasaan ang mga anak ko. " inis na wika ni Shyun.

" Shhhhh..  Wag kang maingay natutulog ang mga anak ko Hahahaha. "

Halos matumba ako ng marinig ang salitang anak.  Nababaliw na ang babeng ito.  Sumenyas ang isang kasamahan nila kuya,  it means nakuha na nila ang kinalalagyan ni Cheska.

" Ako ang kailangan mo Cheska diba?  Ibalik mo ang nga anak ko kapalit ang sarili ko. "

Natahimik ang nasa kabilang linya. Narinig namin ang pag-iyak ng isang bata,  halos sumigaw ako ng mabosesan kong si Lythanie ito.  Tinakpan naman agad ni kuya Micko ang aking bibig.

" Napakaingay na babae,  gusto ming sampalin kita? " naririnig ko ang iyak ng aking anak. 

" Cheska,  don't you dare!  Wag na wag mong sasaktan ng anak ko." galit na si Shyun.

" Sinong nagsabing sasaktan ko ang mga anak ko,  kung gusto mong makita ang mga anak mo sumama ka sa akin. "

Tot. Tot. Tot. Tot.

Bigla na lamang nawala sa kabilang linya si Cheska. Naghanda naman sina kuya para puntahan ang lugar na tinatagoan ng baliw na babaeng iyon.

" Kuya sasama ako. "

Tumingin si kuya Zendrick sa akin at nagbuntong hininga. " Napakadilikado Phoebe,  mas mabuting dito ka na lamang."

" Hindi ko kayang nakatungaga lamang ako kuya,  hindi rin matatahimik ang puso ko. "

Wala narin nagawa sina kuya kundi isama ako at si Shyun.  Ilang oras ang aming paglalakbay marating lang ang tahimik at bulunduking kinatataguan nila Cheska. 

" Phoebe,  hindi kana namin pwedeng isama.  Shyun ikaw na bahala sa kapatid namin. " wika ni kuya Zendrick.

Tumango si Shyun.  Nagsimulang maglakad sina kuya papasok sa magubat na lugar.  Ilang oras kaming naghintay sa baba ng marinig namin anh putok ng baril.  Halos maiyak ako ng maisip ko ang mga anak ko. Tatakbo na sana ako ng hawakan ni Shyun ang aking braso.

" Saan ka pupunta?"

Nagmamakaawa ang aking mga mata habang nakatingin kay Shyun. " Ang kambal Shyun. "

Yinakap ako nito. " Maililigtas nila kuya ito,  magtiwala ka. "

Isiniksik ko ang aking sarili sa katawan nito at doon binuhos ang aking mga luha.

Cheska POV

"Puta,  ano iyon. "

Napalabas ako ng kwarto ng may marinig akong putukan.  Napansin kong inihahanda ni Carlos ang mga baril na nakatago sa ilalim ng kama..

" Carlos? "

" maghanda ka Cheska,  natunton nila tayo. "

Nagulat ako,  ngunit napangiti narin.  Agad kong pinuntahan ang dalawang paslit na natutulog.  Hinaplos ko ang mga mukha nito.
" Papunta nasi daddy mga anak ko. "

Agad kong kinuha ang mga baril na nakatago rin sa ilalim ng kama ng dalawang bata.

Tumingin ako sa bintana,  marami yatang nakaabang sa labas.  Magaling Shyun,  natunton mo kami ngayon isa nalamang ang kalaban ko. Si Phoebe,  mamamatay ang babaeng iyong sa mga kamay ko.

Narinig ko ang sunod sunod na katok sa labas.  Agad ko ring binuksan ito,  tumambad ang mukha ni Carlos.

" Handa kana? "

Tumango ako.  Kinuha ni Carlos ang isa kong kamay at hinagkan ito.  Sabay kaming lumabas na magkahawak kamay.

Bogss..

Plak..

Bogss.. Bogss..

Sunod sunod ang pag ataki ng aming mga tauhan sa kalaban.  Marami naring nasawi sa amin . Tumingin ako kay Carlos. " Mauna kana,  may kukunin lang ako. "

Tumango naman ito.  Bumalik ako sa silid ng kambal.  Hinubad ko ang aking kasuotan.  Alam kong ilang minuto nalang darating na ang ama ng mga ito.  Kailangan kong maghanda,, maliligo mona ako hehe.

Habang nagbababad ako sa maligamgam na tubig narinig ko ang mga yapak galing sa labas.  " Nandito na siya. " bulong ko sa aking sarili.

Tumayo ako habang walang kahit anong saplot sa aking katawan.  Binuksan ko ang pintoan,  at napangiti.  Sakto ang naisip ko nasa harap kona si Shyun. 

" Sabi na ngaba,  pupuntahan mo kami. " masayang wika ko.

Ngumiti ito at yinakap ako ganon din ang ginawa ko ngunit napansin kong may inilagay ito sa kamay ko.  Whatt?  Posas?

" Shyun? "

Ngumiti ito at itinuro ang kinalalagyan ng kambal.  Nakaupo si Phoebe habang yakao yakap ang dalawa.  Magsasalita pa sana ko ng may bagay na pinukpok ni Shyun sa ulo at dahilan ng pagkawala ng aking malay.

A/n: Sasabihin ko po sa inyo,  na malapit napong matapos ang kwentong ito.  Sa mga readers na nanatili hanggang sa huli maraming salmat po.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingOnde histórias criam vida. Descubra agora